EALA QUARTERFINALS
By Duoi Ampilan
18 February 2026Sa kanyang Quarterfinal Finish sa Dubai Tennis Championship ay nasa $98,500 ang prize money ni Alex Eala. Maliban diyan ay may 215 points siyang makukuha para mag-improve ang kanyang WTA Ranking.
Inaasahan na sa Lunes 23 Feb ay ilalabas ng WTA ang bagong ranking. Ang expectations ay magkakaroon ng new career high si Alex ar papasok siya sa Top 40.
Sa nasabing tournament, 3 ang pinataob ni Alex na mas mataas ang ranking. Ito ay sina Hailey Baptiste ng US (WTA No. 45), Jasmine Paolini ng Italy (8) at Sorana Cirstea ng Romania (32). Natalo naman siya ni Coco Gauff ng US (4) sa quarterfinals.
Ang next na laban ni Alex ay sa BNP PARIBAS OPEN sa US na magsisimula sa Mar 1.
