Posts

Showing posts with the label ANG KASAYSAYAN NG PAGIGING MAYABANG NG PILIPINO

ANG KASAYSAYAN NG PAGIGING MAYABANG NG PILIPINO

Image
By Rado Gatchalian ANG KASAYSAYAN NG PAGIGING MAYABANG NG PILIPINO (Isang Malikhain at Malalim na Pagsusuri) ni Rado Gatchalian (FREE TO SHARE) 1. Sa katunayan ay nakalilito. Ang karaniwang haka-haka ay napakabait at napakamapagkumbaba ng Pilipino. Sa totoo lang, totoo naman. Kitang-kita naman di ba? Pero kung gaano katotoo ito ay ganoon din katotoo ang pagkamayabang nating mga Pilipino. Di ba? Itanggi mo man o hindi, sigurado naging biktima ka ng pagkahambog ng kapwa mo Pilipino. Malamang, halos nilait-lait ka pa. Malamang, tinapakan ang pagkatao mo. May kababayan tayong tititigan at susuriin ka mula sa iyong talampakan hanggang sa ulo. Kumbaga, hinusgahan ka na agad-agad base sa itsura mo. Talagang may mga taong ang yayabang! Malay mo isa ka rin doon.  2. Ating pagnilayan nang mataimtim. Suriin natin nang mabuti. At maging tapat tayo sa ating sarili. Tumingin tayo sa salamin — at kilalanin natin nang maluwalhati at bukal sa loob kung sino ba talaga tayo. Kung paano tayo naging ...