Posts

Showing posts with the label Espasyo sa Pagitan ng Langit at Lupa

Espasyo sa Pagitan ng Langit at Lupa

Espasyo sa Pagitan ng Langit at Lupa ni Rado Gatchalian May palamuting kumukurap at tumatawag ng pansin, nakakasilaw kung titigan, kaya lang, kaya lang, parang may kulang… Parang isang haraya na takang-taka bakit kailangan pang pagmunihan ang isang salawikain na salat sa pananagutan; nagtatanong bakit nga ba. Tatanaw-tanaw ang isang paslit, walang takot na sabihin kung ano ang totoo, kung ano ang mali; subalit ang bata’y inalipin din ng isang patriarkang nagsisinungaling. Ano ang pagkukulang ng kabigatang ito? hinahanap ang kasagutan subalit hindi handang tanggapin kung ano ang totoo. Nagbabalat-kayo ang pakikibakang sila lang ang nagmamahal sa bayan, at ang daigdig ay umiinog lamang sa kanilang indayog. Ngayong susukatin kung gaano kabuo ang eksistensyang lumulutang sa pagitan ng kababaang-loob  at kahibangan — subukan mong pumagitna sa isang espasyong ang tanging batid ay walang hanggang paghahanap. Kung ano man ang kulang — buuin mo sa isang pagmumuning ang tanging gantimpala ay...