Posts

Showing posts with the label Pilipinas

PILIPINAS, PERLAS NG SILANGAN...

Image
Tula ni Rebecca Tarog Adjie Canon  PILIPINAS, PERLAS NG SILANGAN... Nang ako ay ipinanganak sa bansa kong pinakamamahal Pilipinas ,,perlas ng silangan,,lupang aking tinubuan Lupaing SAKDAL DILAG ,,watawat malayang nakawagayway Ang gandang tingnan,,nagsosolong sumasayaw ,, sa kaitaasan Lumaki akong matapang sa pakikipagbaka sa buhay Akala ko'y kinabukasan ng Pilipinas ay karangyaan Ano ba't ang nangyayari'y bumulusok sa tunay na kahirapan Nasaan ba ang tunay na kalayaang pinakaaasam ? Sino ba ang dapat sisihin sa mga nangyayaring karumal dumal ? Sa mga namumuno o sa mga pabayang mga mamamayan ?? Nawalan ng lakas na ipaglaban ang tunay na kasarinlan Hinayaang mapasakamay ang PERLAS ,, sa kamay ng dayuhan Marami pang pagkakataong dapat gawin at magtulungan Nang ang PILIPINAS ay makaahon sa SALOT at kahirapan Wala nang sisihan bagkus tayong lahat ay magtulungan Sino pa ba ang AAHON sa NADAPÂ kundi'y TAYO lang naman PILIPINAS,bumangon ka at mapanghawakan mong MAHIGPIT SINTUR...

SA MGA BAYANING MANUNULAT

Image
Pauna : Mahigit na dalawampung manunula ang lumahok sa "One Day Poetry Contest" sa pamamahala ni Eureka Cambonga Bianzon Robey sa ilalim ng Filipino Poets in Blossoms (FPB) Facebook Group kahapon June 11, 2021. Ang tema ay Kalayaan. "Tulang Tagalog Tayo" "Mag alay para sa Kalayaan"  Pakisulat ang inyong  tula sa komento.Maraming salamat #onedaypoetrycontest Contest ends @ 11 midnight Philippines time. Awarding of winners June 15,2021 Sa paghudyat ng oras para isara ang paligsahan, siya'y nagbibigay pugay agad sa mga bayaning manunulat bilang pasasalamat. [Blog Admin.] Ni Eureka Cambonga Bianzon Robey  May Akda  Larawan ay pagmamay ari ng FB Salamat Mga Bayaning Manunulat" ©️eurekarobey Bawat pusong nagtitimpi  May mga tulang ambag puno ng sidhi Makabayan ang sinasalamin Iisa ang bawat mithiin Pag ibig sa bayan puno ng paggiliw Kailan man hindi nagmamaliw Bakas ang pagsinta sa bawat salita Pagmamahal hindi maikakaila Salamat sa mga bayani ng ating...