Posts

Showing posts with the label Mariposang Itim

MARIPOSANG ITIM

Image
Tula ni Rado Gatchalian Handog para kay Lina Cabaero Makulimlim ang dapit-hapon At nanginginig maging luntiang dahon; Ang tuyong lupa’y may pakiusap, Naghihintay sa pagpatak ng ulan. Ang mariposang itim sa bulaklak at hardin Ay paroo’t parito, maging sa lilim, Hindi susuko, hindi mapapagod, Lilipad nang payapa at buong lugod. Sa iyong buhay na pinagkaloob: Ang kagalakan ay para sa karangalan ng kapwa, Para sa bayang nagmamakaawa, At pakikibaka para sa mga kababaihang binusabos. Katulad ng paglubog ng araw, Malamig ang simoy ng hangin sa bayan, Naroon ang iyong ngiting nanunuyo Sa lupang iyong hahagkan nang buong-buo. POSTSCRIPT: Magkakaiba man ng tinahak na pakikibaka: iisa pa rin ang daluyan ng batis. Ito ang pag-ibig natin sa bayan at kapwa. Sa tuwi-tuwinang pakikipagsapalaran, patungo roon at dito, pagminsan tahimik, pagminsan may ingay: subalit may iisang damdamin at panalangin — ang makamit ang pagkapantay-pantay at katarungan lalo na sa inaapi at nalimot ng lipunan. Minsan kong...