Posts

Showing posts with the label Napoleon Torres III

PAGSASAKA

Image
Ni Napoleon Torres III   Magsasaka ay nagaararo sa maghapon. Habang maganda pa ang panahon. Ang init ng araw, nagtatanggal ng umagang ginaw. Araro ay hila hila ng kalabaw, magsasaka ay humihiyaw. Sulong Kabunian habang meron pang araw.  Pagod man ay naguumapaw, hindi ramdam dahil sa aning magbibigay ng layaw. Hindi tutubo ang binhi kung hindi itatanim. Hindi mabubuhay kung wala ang lupa, tubig at hangin. Magsasaka ay kailangan din, upang inaasam na mithiin maibigay ng gawain.  Pagmamahal at pagsisikap sa pagsasaka, ang higit na mahalaga. Upang ang ani ay maging sagana. Aanhin ang kabukiran na nakatiwangwang. Kung ang mga ito ay walang maibigay na pakinabang.  Sa gutom ng bayan pagsasaka sa mga lupa na ito, magbibigay ng biyaya sa mga tao. Problema sa pagkain ay hindi malulutas. Kung hindi gagamitin ng magsasaka ang kanyang sipag at lakas.  Aanhin kung may ginto man sa lupa? Ginto pa rin itong mananatili sa gutom ay hindi magpapahupa. Kasabihang " Kapag may iti...

INANG KALIKASAN

Image
Tula ni Napoleon Torres III "UMI" Artist: Daniel Popper Source: Unique Trees  Pagmamahal sa kalupaan ang handog ni Inang Kalikasan. Pagmamahal din sa yamang lupa ang inaasahan niya sa Sangkatauhan. Subalit ang tao ay gumawa nang malaking kasalanan. Unti-unti niyang sinisira ang mga kagubatan. Yakap ang mga supling na kakahuyan. Tanging mga ugat na lamang ang kanyang namamasdan. Hapis ang mukha dahil sa kalungkutan. Mga tuyong ugat nang mga puno kanyang hinaplos at hinalikan. Namutawi sa kanyang mga labi... "Nasaan na ang awa nang mga tao? Inabuso ninyo ang mga anak ko! Sa mga murang gulang inyong pinagpuputol! Ako ay labis na tumututol!" Darating ang araw na ang mga puno na nagtatanggol sa mga kabundukan. Sa ginagawa ninyong labis na pamumutol ay mauuwi sa kawalan. Ito ay magiging sanhi nang isang malagim na kapahamakan. Guguho ang mga bundok, mga tao at mga bayan ay matatabunan. Hinaplos muli ni Inang Kalikasan ang mga tuyong ugat. Ang mga ito ay parang mga batang ...

PARALUMAN

Image
Tula ni Napoleon Torres III Pagsikat nang araw sa umaga. Pagdilat nang aking mga mata. Hanap nang tingin ay ang iyong ganda. Sa aking abang buhay tangi kong ligaya.  Maligaw man sa kagubatan nang mundo, ikaw pa rin ang hahanapin ko. Magdilim man ang kapaligiran, ikaw lang ang liwanag na babalikan.  Paano kaya ang buhay ko sinta? Kung sa buhay ko ay wala ka? Matutulad ako sa mga batong madudurog sa ulan. Kung sa habang panahon ay walang masisilungan.  Naging mapalad ako nang dumating ka sa buhay ko sinta. Binuhay ang puso ko nang ibinigay mong saya. Sa maamo mo na mukha ako ay madalas mangarap. Kapag nasisilayan ka nawawala ang mga nararamdamang hirap.  Dumating ang panahon na ang mga tuhod ay bumaluktot. Sa kahinaan ko ako ay nalungkot. Paano na ang halaman? Kung hindi na pumapatak ang ulan?  Pagibig ang mahalaga at hindi ang ano pa  man. Magkakasama tayo hanggang sa kamatayan. Mahal na mahal kita sinta tandaan mo. Wala kang kapalit sa puso ko. N...