Posts

Showing posts with the label Rebecca Tarog Adjie Canon

DIYOS ang GABAY

Image
Tula Ni Rebecca Tarog Adjie Canon Maraming unos na ang dumaan sa buong buhay ko Halos hindi mabatá ng katawang naghihingalo Ako'y nagtatanong, ganito ba ang palad ko ? Ang bawat pintig ba ng puso ko'y siphayo? Mga pagsubok at paghihirap ay mula pa nang isilang Lumaking salat halos sa lahat ng mga bagay Nanggaling sa mga mahihirap na magulang  Ngunit may tanging kayamanan, ang aming dangal Anumang kahirapan palaging nananampalataya DIYOS ang may gusto ito'y mga pagsubok NIYA Kailangan sa TAO ang TAPANG ng bawat isa Nang malaman NIYA ang mga marunong bumatá Anumang kahirapa'y may katumbas na ligaya Ang bukas na darating ang kakamtin ay sagana Ang daang matinik at madilim ay liliwanag talaga Ito ang KANYANG pangako, ITATAAS kita !! Bagyo ma'y dumaan, bahaghari ay lilitaw Ito'y tanda ng liwanag na aking makakamtan Ang gawang kabutihan ay gagantimpalaan Ang MASAGANANG buhay ang kapalit ng KAHIRAPAN Zoraya Pilar,Sorsogon Philippines February 27, 2022 OAP#4 Poetry Chal...

PALIMOS NG AWÂ

Image
Tula ni Rebecca Tarog Adjie Canon PALIMOS NG AWÂ ..... Nakapikit yaring mata mo,,nang ika'y dumaraan Hindi mo napapansin ang mukhang itong nadungisan Maano naman kung ika'y lumingon at ako'y tingnan Nang iyong madama,,ang gusto kong iyong maramdaman AWÂ mo'y aking hinihingi,,ako'y iyong limusan Ang puso mo'y aking ramdam,,tao kang may kabutihan May mga matang hindi nakapikit sa may kahirapan Maramdaman mong,,ang buhay ko,,ay mayroong kalungkutan  Palimos !! Palimos ng awâ mong sana'y mabitiwan Mga kamay ko'y ilalahad,,bùkás,,nang iyong matingnan Karampot mong barya,,sana naman ako'y maambunan Pagpapakatao'y gawin,,bawat isa'y  kaawaan Nasasabik ako,,sana nga tayo ay magmahalan Ang limos mong AWÂ ay tunay kong pasasalamatan Aking idadalangin sa DIYOS,,ikaw ay bantayan Kamtin mo ang biyaya,,ngayon,,magpakailan pa man  Palimos !! nang tunay na Pag-ibig,,sana'y maasahan TAO,,may DAMDAMIN,,may PUSÔ,,may KALOOBAN Sa bawat nilalang dapat ay pala...

PERA O ASAWA?

Tula ni Rebecca Tarog Adjie Canon PERA O ASAWA ??? Sa panahon ngayon,,may katanungan  Alin ba ang mahalaga,,pera o asawa Kung pakakaisipin,,pipiliin ang pera Ang pera minsan,,ay tunay na kailangan Sa mundong ibabaw,,uso'y pita ng laman Marami ang gustong ito'y kasadlakan Hindi alintana ang sasabihin ng iba Ang nasa isipan ay ang munting ligaya Asawa'y pipiliin kung mayroong dahilan Lalo ang pag-uusapan ay karangalan Kapuri-puri ang mayroong katapatan Sa mag-asawang lubos na nag-iibigan Pera ang kapalit nang mga panghihina Sa nawalan ng tiwala sa kanilang asawa Nagpalalo't nagtaksil umibig nang iba Kaya ang Dangal,,ang kapalit ay pera Pera!!Asawa!!Pera,,parehong mahalaga Pera ay madaling gastusin at nawawala Asawang mabuti at mapagkakatiwalaan Walang makakapalit anumang YAMAN Zoraya Pilar,Sorsogon Philippines Dec.7,,2021 10:17 p.m. Tula Tugon ni Flor Dayao Sa ngayon,matalino na ang mga kababaihan... Nag iisip ng magandang buhay Magtatrabaho ng walang humpay.. Kung mag- a...

PANGARAP

Tula ni Rebecca Tarog Adjie Canon Ang gandang tingnan ang mga bituin Tulad ng pangarap na hindi kayang abutin Nanatili na lang sa ating paningin Ang kumukutitap na luningning Pangarap minsa'y palaging nabibigo Kahit anong gawin,,pagod na todo Kung walang pangtustos,,tiyak sigurado Hindi kayang makamtan anumang gusto Sa pangarap na tunay na naunsyami Hahayaan ko na lang na aliwin ang sarili Maging mapagpasalamat at ako'y kinandili Sa mga biyayang bigay ng DIYOS na walang atubili. December 8, 2021 Tula Tugon sa Dream On Source: Self-Publishing x Movement

PILIPINAS, PERLAS NG SILANGAN...

Image
Tula ni Rebecca Tarog Adjie Canon  PILIPINAS, PERLAS NG SILANGAN... Nang ako ay ipinanganak sa bansa kong pinakamamahal Pilipinas ,,perlas ng silangan,,lupang aking tinubuan Lupaing SAKDAL DILAG ,,watawat malayang nakawagayway Ang gandang tingnan,,nagsosolong sumasayaw ,, sa kaitaasan Lumaki akong matapang sa pakikipagbaka sa buhay Akala ko'y kinabukasan ng Pilipinas ay karangyaan Ano ba't ang nangyayari'y bumulusok sa tunay na kahirapan Nasaan ba ang tunay na kalayaang pinakaaasam ? Sino ba ang dapat sisihin sa mga nangyayaring karumal dumal ? Sa mga namumuno o sa mga pabayang mga mamamayan ?? Nawalan ng lakas na ipaglaban ang tunay na kasarinlan Hinayaang mapasakamay ang PERLAS ,, sa kamay ng dayuhan Marami pang pagkakataong dapat gawin at magtulungan Nang ang PILIPINAS ay makaahon sa SALOT at kahirapan Wala nang sisihan bagkus tayong lahat ay magtulungan Sino pa ba ang AAHON sa NADAPÂ kundi'y TAYO lang naman PILIPINAS,bumangon ka at mapanghawakan mong MAHIGPIT SINTUR...

BUHAY

Image
Tula ni Rebecca BUHAY ... Ang buhay ay parang USOK sa mundo !! Dala-dala ng hangin saan man tumungo Saglit na nawawala sa paningin ng tao !! Ganyan ang Buhay, SAAN tayo Patungo ? Buhay ay dapat ngang alagaan at mahalin Dapat may limitasyon na dapat susundin Huwag sa KALAYAWAN ang dapat kamtin Mag- ipon ng Kayamanang EVERLASTING EVERLASTING ? ano ang KAHULUGAN ? Walang hanggang BUHAY ang nakalaan Doon sa bandang ITAAS, sa MAYKAPAL! Doon ang luklukan,,sa BAYANG BANAL !! BAYANG-BANAL ? may katanungan ka ?? Makikinang na mga BATO ang makikita Hindi man ABUTIN ng mata, may Pag-asa Ito ang mga salita, nababasa sa BIBLIA BIBLIA, SUPER BOOK kung ito'y tawagin Lahat ng LESSON, sa inyo makakarating! Ang HINDI NAKIKITA, TIYAK DARATING! Parang MAGNANAKAW sa ating paningin BUHAY, ang SARAP namnamin sa mundo Huwag lang PAKAKAMAHALIN nang todo Ang DIYOS ang may BIGAY sa KANYA ito Maging HANDA PALAGI, ito'y SIGURADO Zoraya d' long legged Morena Pilar, Sorsogon Philippines Sept.11, 2020 1:5...

PINTIG NG PUSÔ

Image
Tula ni Rebecca Tarog Adjie Canon PINTIG NG PUSÔ ... Ang pusô ilang beses ba ang pintig ? Sa isang minuto o sa bawat saglit Saan ba galing ang hanging hinihinga? Marami sa nilalang walang alam sila Bawat pintig ng puso, hangi'y katumbas Himalang hindi mawari, hindi nakikita Linikha ng DIYOS, hanggang sa wakas Nang kapangyarihan NIYA ay makilala Hanging hinihinga ng bawat nilalang Ito ay LIBRE, galing sa MAYKAPAL Bakit hindi maalaala, ito'y pasalamatan Bawat pintig ng puso ang bigay ay buhay Kung bibilangin ang bawat minuto May 60 beses na pintig, halaga ay PISO Ilang YAMAN kaya ang dapat bayaran Ng isang tao sa hanging kinailangan Ganting-balik ay hindi ito hinihintay Ng ating DIYOS doon sa kalangitan Ang KANYANG hiling ay kabutihan Mahalin ang kapwa at tayo'y mag- ibigan Zoraya Pilar,Sorsogon Philippines Sept. 25, 2021 1:06 p.m.

GASERA

Image
Tula ni Rebecca Tarog Adjie Canon Ikaw ang tanglaw sa isang tahanan katulad ng isang INA,anak inaalalayan ikaw ang nagsisilbing liwanag sa daan upang ang pinapangarap ay makamtan Sa gabing madilim,liwanag mo'y ilaw lalo na sa mga taong namamanglaw makita kang nakasindí,nakakalimutan ang lahat ng pighating nararamdaman Kaunti man an liwanag mo'y mahalaga lalo na sa mga naghihirap na pamilya nagdarahop sa buhay ngunit nakikibaka sa pagharap ng gulong ng buhay,masaya Gasera'y sa ihip ng hangi'y namamatay ngunit muling sisindian upang mabuhay katulad ng pagkadapa'y muling babangon malugmok man ngunit pilit umaahon GASERA kapantay ng isang kahirapan payak ang buhay,puno ng kaligayahan lalo na sa liblib ng isang kabukiran ang nasa kapaligiran ay mga halaman GASERA ay nagsisilbing  INSPIRASYON na ang buhay ay dapat IPAGPATULOY anumang hirap,nakatuon sa PANGINOON kung ika'y NADAPÂ muling IBABANGON Zoraya Pilar,Sorsogon Philippines Oct,5,2021 4:43 a m. Filipino Poets in ...

MAGSASAKA AT MANGINGISDA

Tula Ni Rebecca Tarog Adjie  Canon  Kami ay magsasaka at mangingisdang super sipag Nagbabanat ng buto sa silong ng araw at buwan  Walang humpay sa pagtatanim at pangingisdang ganap Nang ang pamilya ay mayroong  magandang kinabukasan Marumi man ang aming mga kamay at maraming mga kalyo Aming ipinagkakapuri ang hanapbuhay na ito Sagana sa pagkai't gulay nang hindi bumibili Lumilipas ang oras ang aming tiyan walang hapdi Sariwang-sariwâ ang ulam namin sa tanghalian Kukuha ng sariwang gulay sa aming halamanan Pagkain namin ay mga masustansya at malinamnam Pagkaing kailangang tunay ng aming mga katawan Kaming mangingisda at magsasaka kung tatamarin  Kawawang tunay,, ang tao sa mundo'y walang makain Pawis,,pagod,,puyat,kalyo ang aming mga dinaranas Itutuloy mga gawaing ito sa magandang bukas KAYONG LAHAT !! TAYO AY MAGTANIM ,, MANGISDA !! HALINA !!! Ang GUTOM tunay MAIIWASAN kung MAGSISIPAG KA !! Ang mga KAMAY na may PUTIK at KALYO ay TAGUMPAY KA !! Kahit WALANG DIPLO...