Posts

Showing posts with the label TAPAT NA PILIPINO

RAMON MAGSAYSAY, TAPAT NA PILIPINO

Image
Maikiling panulat ni Rado Gatchalian   Ngayong ika-31 ng Agosto ay inaalala natin ang kaarawan ng isang tapat at magiting na Pilipino — Pangulong Ramon Magsaysay, tubong Iba, Zambales. Naging Pangulo mula 1953 hanggang 1957. Sa kasamaang-palad ay bumagsak ang kanyang sinasakyang eroplano sa Bundok Manunggal, Cebu noong Marso, 17, 1957. Naiulat na nasa dalawang milyong Pilipino ang nakilahok, nakiramay, at nagluksa sa state funeral na ginawad sa kanya. Itinuring ng mga Pilipino noong nabubuhay pa siya bilang “kaisa” nila lalo na ang mga magsasaka, mahihirap, at ordinaryong Pilipino. Naging Pangulo ng Masa. Naging malapit sa puso ng tao. Sa kanyang panunungkulan ay binuksan niya ang Malacañang para sa Pilipino. Kauna-unahang Pangulo ng Pilipinas na nagsuot ng barong tagalog noong siya’y nanumpa bilang Pangulo. Nakalulungkot na ang bagong henerasyong Pilipino ay hindi na masyado kilala si Pangulong Ramon Magsaysay. Isa siya sa dapat na magsilbing idolo o modelo ng Kabataang Pilipino....