Posts

Showing posts with the label Rado Gatchalian

PAG-IBIG, HIMIG

Image
Tula ni Leah C Dancel PAG-IBIG, HIMIG Tula at musika Pinag-isa sa dambana ng Pag-ibig, Himig. Himig at tunog Pinagtugma din sa Tula Sa indayog ng tugtog ng gitara,  Cello at piano. Ang malamyos na tinig Ni Rene ay pumaimbulog Sa kasaysayang kanyang minimithi Kasaysayan ng kanyang pag-ibig Na itinugon naman ni Rado Sa kanyang walang kupas Na pagmamahal sa Inang Bayan. Tula at Musika Himig at Tinig Tunog at Tugtog Pinagbigkis sa iisang indayog Ng katapatan at kagitingan. Kami ang mga saksi sa  Pusong tumitibok Nagmamahal na walang katapusan. Pag-ibig, Himig. ©Leah C Dancel Copyright ©4 June 2023 All rights reserved SH-AUSTRALIA  Photo courtesy by Rado Gatchalian

PAGKATAPOS NG MAHABANG PAGHIHINTAY

Image
TULA September 2, 2022 PAGKATAPOS NG MAHABANG PAGHIHINTAY Ni Rado Gatchalian Pagkatapos ng mahabang paghihintay, wala rin palang bunga ang pagtitiis; kalahating-araw na akalang darating, wala pala, wala na. At sa pagod, at uhaw, uuwing salat hindi lang sa pagmamahal; wala ni kapirasong sulat man lang ng pamamaalam. Kung lahat ay nakatakda sa tamang oras, maging ang kabiguan ay kaibigan, itutulak ka sa nag-aalab na apoy habang ang katapanga’y kusang nagliliyab sa nakatago mong kapayapaan. Huwag mong lasunin ang sarili mong isip, sa isang kasinungalingan na ang lahat ng nagwagi ay nagmamay-ari ng koronang  madadala mo sa langit. Kung kaya’t sa iyong paghihintay ngunit wala, huwag kang mawalan ng pag-asa, kusang darating ang isang himala sa isang mandirigmang ang tanging armas ay pag-ibig na dalisay. Hayaan mong tanggapin ang lahat ng pasakit, hayaan mong kutyain ka ng daigdig, sa iyong pagtitiis, hindi mo man makamit ang koronang kumikinang, Uuwi ka sa isang tahanang hindi natutulog ...

THE BOOK OF HOPE

Image
By Rado Gatchalian THE BOOK OF HOPE (A Meditation on Isolation) By Rado Gatchalian Perhaps if tomorrow’s sun  Shall bring the sweetest light to you — Now is the time to look at (for) your soul, You listen, and you know, You whisper, and you hope. You may not endure this loneliness  But always try to catch the silence  Of the wind, of the soft voice of meadow. Perhaps in this darkest hour Some of you are dwindling like a dust, And some, breaking into pieces, And more, becoming like a stone: Gazing at nowhere, and heartless like you. If today — you feel you are alone And no one with you but the moon, Be still and speak as gently as a poem. If this world is empty and lonely Walk and speak to every leaf in the woods: There is a shadow that speaks no fear. You look beneath the rocks and you see only yourself: Ask if what you see is who you are Or is the image a forgotten remembrance Of a vivid day when you were still young. And when you find it, speak to him like a child. Trut...

MAHALIN NATIN ANG PILIPINAS

Image
By Rado Gatchalian MAHALIN NATIN ANG PILIPINAS ni Rado Gatchalian Kung ang panahon ma’y nagpapaalam At nais lisanin ang lupang iyong sabsaban; Hinahanap mo ang ginto’t pilak Sa banyagang lupang pinapangarap. Subalit may pakiusap ang Inang Bayan Sa iyong paglisang humihingi ng patawad, Ikaw man ay mawalay sa bayang luntian At doon sa malayong lugar ay bubuuin ang yaman: Huwag mong kalimutan ang bayang pinagmulan, Mahalin mo ang Pilipinas, ating Pinakamamahal. At kung ang iyong kaluluwa’y naliligaw Sa isang paglalakbay na walang liwanag — Subukan mong yakaping muli ang Araw At ang Tatlong Bituing nagniningning sa kalawakan; Hawakan mo ang nag-iisang sinumpaang pag-ibig At kahit nasaan man nasa puso mo ang Bayang Magiliw. (Photography by: Marjune Provido. Maraming salamat! Taken at Canberra, capital of Australia, 19 February 2022)

The Glory that Binds Us

The Glory that Binds Us (A eulogy to the deadly virus) By Rado Gatchalian “Three passions, simple but overwhelmingly strong have governed my life: the longing for love, the search for knowledge, and unbearable pity for the suffering of mankind.” ~ Bertrand Russell, philosopher We are born not once, not twice, But every morning and night. When this delicate life wants to collapse, Wants to resign, We hold in our hands the dearest among we love. When death wants us to depart We hold our last breath  So that our sons and daughters live. As we pick the small pieces that bind us We surrender our strength to peace; But we will never ever give up So that those who are below, one day, Can thrive and bring the same content. If we ever survive — and win over the absurd, Over the travesty of confused facts — We shall all unite, one morning, And proclaim “enough.” But we are born — not to die — but to live The very definition of what we call Love; When we live but never love, We are already th...

Espasyo sa Pagitan ng Langit at Lupa

Espasyo sa Pagitan ng Langit at Lupa ni Rado Gatchalian May palamuting kumukurap at tumatawag ng pansin, nakakasilaw kung titigan, kaya lang, kaya lang, parang may kulang… Parang isang haraya na takang-taka bakit kailangan pang pagmunihan ang isang salawikain na salat sa pananagutan; nagtatanong bakit nga ba. Tatanaw-tanaw ang isang paslit, walang takot na sabihin kung ano ang totoo, kung ano ang mali; subalit ang bata’y inalipin din ng isang patriarkang nagsisinungaling. Ano ang pagkukulang ng kabigatang ito? hinahanap ang kasagutan subalit hindi handang tanggapin kung ano ang totoo. Nagbabalat-kayo ang pakikibakang sila lang ang nagmamahal sa bayan, at ang daigdig ay umiinog lamang sa kanilang indayog. Ngayong susukatin kung gaano kabuo ang eksistensyang lumulutang sa pagitan ng kababaang-loob  at kahibangan — subukan mong pumagitna sa isang espasyong ang tanging batid ay walang hanggang paghahanap. Kung ano man ang kulang — buuin mo sa isang pagmumuning ang tanging gantimpala ay...

He Who Knows Nothing, Feels Everything

Image
He Who Knows Nothing, Feels Everything By Rado Gatchalian In the shadow I hear my soul creeping like a ghost whose beginning is from the end; If I shall surrender to darkness — am i still worthy to shine,  though flickering, in the universe? How can the masterpiece complete the cycle of birth and death  when all that is required is a small shining stone in a delicate piece called heart? But how shall I accomplish any merit when all that is required is a losing self whose purpose  is only to find? As the elders of generation from ancient to modern: there is only one wisdom possessed — he who knows nothing, feels everything. More than everything is nothing. For me to see is to open and close and open again the gate where the entry is to depart.

Sa Aking Mga Kababata

Image
Sa Aking Mga Kababata ni Rado Gatchalian (Ang larawan ay kuha noong Agost 1, 2017 sa loob ng Malacanang Palace) Makinig aking mga kabataan Narito ang isang hamon sa inyong lahat: Hanapin mo ang turo ng nakaraan, Sikapin mong yakapin ang katotohanan. Subalit kung ano man ang totoo Matutong makinig sa lahat ng kwento, Kung ano man ang ipinaglalaban mo Maging bukas sa pananaw ng ibang tao. Mahal kong mga kapatid, Batid kong ang katotohanan ay may balakid: Ang ating limitado at marupok na pag-iisip At maging ang ating mapusok na damdamin. Maging mahinahon at matiisin, Kung isang araw ay makamit mo ang karunungan Huwag mong hayaang maging alipin Sa inaakala mong ikaw at ikaw ang tama lamang. Bagama’t tungkulin mo ang alamin ang tama, Isa ring banal ang matuto sa iyong pagkakamali; Huwag kang matakot na yumapak sa lupa Dahil maging ang langit ay may luha at hikbi. Kung ang iyong katapangan ang iyong lakas Huwag mong kalimutan ang pag-ibig ay banal; Ang katotohanan ay kailangang ipaglaban Sub...

Homage to the Great F Sionil Jose

Image
By Homage to the Great F Sionil Jose by Rado Gatchalian I am not sure if it is a coincidence that two Joses have greatly influenced me as a Filipino thinker and patriot: Philippine National Hero Dr. Jose P. Rizal and National Artist for Literature F Sionil Jose. A week after we commemorated the 125th death anniversary of Jose Rizal on 30 Dec 2021, our country has lost another great Filipino and writer, F Sionil Jose, on 06 Jan 2022. I owe a great deal to F Sionil Jose, who is also my fellow Pangasinense, in the way I feel and think for our country. During my younger days, I used to read and collect his articles at the Philippine Star newspaper; I still have kept some and brought with me here in Australia.  If I am known now, among my friends, as “The FILOsopher,” it is because of the influence of these two Joses.  F Sionil Jose’s essays “Why We are Poor” and “Our Place in the Sun” have made a remarkable impact on me. It has influenced me in my lifelong advocacy in promoting un...

HARINAWA

Image
HARINAWA Tula ni Rado Gatchalian (Handog para kay F Sionil Jose, National Artist for Literature) Pumanaw nitong 06 Jan 2022 Sabi nila ang paglubog ng araw ay hudyat ng pagsikat muli ng bagong umagang sumisigaw ng paglaya. Bagama’t nagdurugo ang langit at maging lupa’y sumisigaw ng galit, pagkaminsa’y sawing pag-ibig, Hindi maaaring makalimot ang bantayog ng maghapong pakikiramay, dahil maging ang pagtiklop ng dahon Ay nagsilbing lilim ng pangungulila’t kalungkutan; maging ang alapaap ay kusang inalay ang lahat ng pag-aari, Maging ang kahuli-hulihang patak  ng pagdadalamhati, kung gaano man ito kasakit, naghihintay ang lupa sa iyong pagbabalik. Kung ang batis sa Silangan ay nananabik at kung anumang pagkukulang sa Bayan: patawad ang hikbi at panalangin. Kung saglit lamang ang pamamaalam, kung ang ngayon ay kahapon lamang, di na muling maibabalik ang abang buhay Subalit sa iyong iniwang kayamanan: ang panalangin ay hindi malimot ng kabataan, at kung ang lahat-lahat ng iyong agimat Ay...

SIGE, ITULAK MO AKO SA ISANG PAG-IBIG

Image
SIGE, ITULAK MO AKO SA ISANG PAG-IBIG ni Rado Gatchalian Kaunting tulak lang ng isang mangingibig At marahil nahulog na rin ako sa isang bangin Na hindi alam kung gaano kalalim, O kung ipagtulakan man sa isang kawalan, At halos guni-guni na lang ang aking pinanghahawakan, Marahil kahit ano pang sabihin ng ilan — Iisa lang ang aking ikabubuhay, ikamamatay: Ang umibig nang buo at tapat. Kung ipagkait man ito sa akin, Wala nang sapat pang dahilan Upang ako’y huminga at mabuhay — Subalit kung bibigyan muli ng pagkakataon Hayaan mong itulak ko ang aking sarili Sa isang akala mong kahibangan, Kung ako man ay baliw, at walang kapangyarihan, Sige, itulak mo lang ako sa pinakadulo, At kung ano man ang hangganan nito — Marahil maging ako at ikaw ay walang lakas Upang alamin ang pangalang Ang tanging iiwan ay kahabag-habag na paalam. Sige, itulak mo ako sa isang pag-ibig, At kung mahulog man ako sa isang bilanggo, Ako’y hindi mapapagod na hanapin ang laman ng puso. Kung magwakas man ito sa isang ...

KAPITA-PITAGAN

Image
Saludo ang lahat sa iyong kagalingan Ikaw ang bayani ng ating sawing bayan Ang tugatog mo’y abot langit Sa iyo’y wala nang makahihigit Para kang isang kapuri-puring watawat Sa itaas ay malayang pumapayagpag Ang aming kamay ay nasa aming dibdib Para sa iyo iaalay ang wagas na panalangin Ikaw ang sikat ng kataas-taasang araw  Sa aming aninong walang dangal Ikaw. Ikaw. Ikaw. Ikaw. Ikaw. Ikaw. Oo, walang kamatayang ikaw Sa iyo na ang korona at lahat ng parangal Sino ba kami kundi isang hangal? Pagpugay sa iyong walang katulad na karangalan Mabuhay ang iyong natatanging pangalan! Kagalang-galang na kamahalan Wagas ang iyong kadakilaan Ikaw ang apoy na nagbibigay-alab Kami’y abong walang ganda’t saysay At sa darating na bukang-liwayway Ang abang lupa ang sa iyo’y sabik na naghihintay (Sa panulat ni Rado Gatchalian)

At Malay Mo Pipitasin Mong Muli

Image
At Malay Mo Pipitasin Mong Muli (Isang Eksistensyal na Pagtutunggali) ni Rado Gatchalian  Kahapon lamang ay pinitas mo ang maghapong alindog ng paghahanap kung sino ba ako. Lito pa rin ang madla at maging kabataan ay di alam kung ano ang aking pangarap. May nagsasabing ako ay atiyesta, ang iba’y magtatanggol na ako’y banal, na ang panalangin ay gayumang tula. Subalit kahapon nga lamang ay sinubukan mong kilalanin ang aking kaluluwa, nakatago sa isang kapirasong papel, Na ang wakas ay nasa simula pala. Puspusan ang paghahanap sa lumang pahina, at kahit na babad sa magdamag na pagbilang sa mga nakatagong bituin Hahanapin at hahanapin pa rin. Ang lalim man ng pinaghugutan ay di tiyak kung may hangganan, siguro kahit ilang beses hukayin ang lalim nito, Isang gabi, susuko ang lahat sa isang pananampalataya — ng meron at wala, ng ako at di ako. At kung matapos mang bilangin ang isang libong bituin, para saan pa ang hinahanap na ligaya   Kung sa pagtalima ay maubusan ng hininga....

Seven Principles of Radical Happiness

Image
Seven Principles of Radical Happiness By Rado Gatchalian (FREE TO SHARE) I. To be happy you shall unburden yourself from any personal guilt. II. If you can honestly live by yourself and maintain a meaningful life, then, you can be truly happy either in solitude or friendship. III. If you shall die today but with a peaceful heart and no regrets in life — you have lived an abundant happy life. IV. If you cherish with all your heart the treasures given by music, art, dance, literature, history, books, and nature, then, you cherish a life full of true joy. V. Do not be bothered by what other people think about you. Live a life that is a genuine expression of who you are, then, you will be freely happy. VI. If you are sincerely happy with the success and blessings of other people, then, you have unburdened yourself from any kind of loneliness and depression. VII. If you can find a purpose in life that consumes Love as the beginning and end of everything, then, every minute of your existence...

ANG KASAYSAYAN NG PAGIGING MAYABANG NG PILIPINO

Image
By Rado Gatchalian ANG KASAYSAYAN NG PAGIGING MAYABANG NG PILIPINO (Isang Malikhain at Malalim na Pagsusuri) ni Rado Gatchalian (FREE TO SHARE) 1. Sa katunayan ay nakalilito. Ang karaniwang haka-haka ay napakabait at napakamapagkumbaba ng Pilipino. Sa totoo lang, totoo naman. Kitang-kita naman di ba? Pero kung gaano katotoo ito ay ganoon din katotoo ang pagkamayabang nating mga Pilipino. Di ba? Itanggi mo man o hindi, sigurado naging biktima ka ng pagkahambog ng kapwa mo Pilipino. Malamang, halos nilait-lait ka pa. Malamang, tinapakan ang pagkatao mo. May kababayan tayong tititigan at susuriin ka mula sa iyong talampakan hanggang sa ulo. Kumbaga, hinusgahan ka na agad-agad base sa itsura mo. Talagang may mga taong ang yayabang! Malay mo isa ka rin doon.  2. Ating pagnilayan nang mataimtim. Suriin natin nang mabuti. At maging tapat tayo sa ating sarili. Tumingin tayo sa salamin — at kilalanin natin nang maluwalhati at bukal sa loob kung sino ba talaga tayo. Kung paano tayo naging ...

KAYSARAP ANG UMIBIG

Image
By Rado Gatchalian  October 13, 2021 The FILOsopher  KAYSARAP ANG UMIBIG Ni Rado Gatchalian Kinukulit ako ng ihip ng hangin Kung bakit iisa ang aking iniibig Dahil may titik ang aking dibdib At ang pangalan mo ang siyang nakaukit Maging ang buwan ay nananabik At tila hinahanap ang iyong halik Ikaw ang diyosa’t diwata sa dilim Ikaw ang aking tunay na iniibig O kaysarap ang umibig At kaysarap ang iniibig Dalawang pusong kinikilig Araw at gabing nasa langit Maging bituin ay may panalangin Tayong dalawa’y magkapiling Ngayon at sa bukas na darating Pag-ibig, oh kaysarap yakapin

WALANG MONOPOLYO ANG PAGKAMAKABAYAN

Image
By Rado Gatchalian WALANG MONOPOLYO ANG PAGKAMAKABAYAN ni Rado Gatchalian (FREE TO SHARE) Nahahati ang mundo hindi lang sa dalawa May taas, baba, gitna, at kung saan pa Kung nasaan ka man iyon ang tanging makikita Walang monopolyo ang pagkamakabayan Walang nag-iisang may-ari ang pagkabayani Walang makapagsasabi na ang Pilipino ay ako at ikaw lang Nakakapagod na rin ang buong buhay na pagtatanggol Sa isang panata at pananampalatayang hindi kayang tanggapin ng iba At kung susuko man ako siguro ay upang ang kapayapaa’y sumainyo Napaos na ang aking boses sa maghapong pakikibaka Babalikan ko ang mga nakaraan at tatanungin ang sarili: Ano ba naiambag ko sa bayan at naitulong sa mga Pilipinong dukha at api? Titimbangin ko ang pinagkaloob sa bayang nagmamakaawa Lahat ba ng pinagkaloob ay pawang salita Puro sigaw at galit, subalit salat sa gawa At kung tayo’y mananalangin sa bayan Pakiusap sikapin din nating yakapin ang kapwa Handang hawakan ang mga dumi’t alikabok sa kanilang tagpi-tagping tah...

KAPWA KO, MAHAL KO

Image
Repost from Rado Gatchalian The FILOsopher  Kapwa Ko, Mahal Ko (Para sa mga OFWs) Sa panulat ni Paolo Vernall Sa mundo ng magulong buhay Darating ang mga taong hihingi ng saklolo At akala mo ay kaibigang tunay Subalit lahat pala ay panloloko. Ilalahad ang kanilang mga pagsubok Ang hugot at dramang pupukaw sa iyong puso At ikaw namang ang dibdid ay marupok Yayakapin sila at ang pag-ibig ay ibibigay nang buo. Hanggang dumating ang isang araw Ng rebelasyong ikagugulat mo Ang lahat-lahat pala ay pawang kasinungalingan At biglang parang pasan mo ang mundo. Hindi mo akalaing ang tulong na inalay Ay harapang pagsakal sa iyong pagkatao Sisipsipin ang kahuli-hulihang patak ng dugo Hanggang sa di mo namamalayang wala ka ng buhay. At kung wala ka nang maibigay Ang lahat ng mga kaibigang iyong inakay Ay unti-unting nawawala sa kapaligiran At nakalulungkot na tuluyan kang iniwan. Dahil sa iyong kahinaang maawain Kinurot nila ang iyong pusong banal Pinaglaruan ang iyong kamay na nakikiramay At h...

RAMON MAGSAYSAY, TAPAT NA PILIPINO

Image
Maikiling panulat ni Rado Gatchalian   Ngayong ika-31 ng Agosto ay inaalala natin ang kaarawan ng isang tapat at magiting na Pilipino — Pangulong Ramon Magsaysay, tubong Iba, Zambales. Naging Pangulo mula 1953 hanggang 1957. Sa kasamaang-palad ay bumagsak ang kanyang sinasakyang eroplano sa Bundok Manunggal, Cebu noong Marso, 17, 1957. Naiulat na nasa dalawang milyong Pilipino ang nakilahok, nakiramay, at nagluksa sa state funeral na ginawad sa kanya. Itinuring ng mga Pilipino noong nabubuhay pa siya bilang “kaisa” nila lalo na ang mga magsasaka, mahihirap, at ordinaryong Pilipino. Naging Pangulo ng Masa. Naging malapit sa puso ng tao. Sa kanyang panunungkulan ay binuksan niya ang Malacañang para sa Pilipino. Kauna-unahang Pangulo ng Pilipinas na nagsuot ng barong tagalog noong siya’y nanumpa bilang Pangulo. Nakalulungkot na ang bagong henerasyong Pilipino ay hindi na masyado kilala si Pangulong Ramon Magsaysay. Isa siya sa dapat na magsilbing idolo o modelo ng Kabataang Pilipino....

PAG-IBIG SA TINUBUANG WIKA

Image
Ni Rado Gatchalian Kadalasan bilang isang nilalang at maging Pilipino na rin ay mahilig tayong sumabay sa agos ng panahon. Kung susumahin ang ating mga galaw at panuntunan sa buhay: ginagawa lang natin ang mga bagay-bagay kung ito ay napapanahon. Ngayong Buwan ng Wika nagsusumigabo ang ating pagdiriwang kultural at makabayan. Karamihan sa atin ay nag-uudyok ng paggamit ng ating sariling wika. Katangi-tangi naman ito at lubos na dapat ikarangal ang gawaing ito. Subalit ang ating panawagan at panalangin ay maikintal natin sa ating isip ang tapat na pagdiriwang na ito. Magiging tapat lang tayo kung pagsusumikapan pa rin natin na gamitin ang Filipino o Tagalog sa ating pang-araw-araw na pamumuhay: sa ating pakikitungo sa kapwa, pagsasalita, at maging pagsusulat na rin. At hindi lang ito nagsisimula at nagwawakas tuwing buwan ng Agosto. Isang hamon sa ating lahat na ipagpatuloy ito sa bawat buwan at buong buhay natin. Hindi rin naman masamang maging hasa sa wikang Ingles o iba pang wika. Ka...