Posts

Showing posts with the label Duoi Ampilan

UNSWERVING SERVICE TO HUMANITY

Image
15 August 2024 THANK YOU FOR THE LEARNING, LESSONS & MEMORIES By Duoi Ampilan  Since 01 August 2024, I officially ended my deployment in Ukraine. Though short (4 months), my deployment was among the toughest, most challenging and most difficult. The last 45 days were among the things I would never wish for. Ukraine was my 14th country of deployment and the 24th country I traveled to.  After all the twists, turns, trials, tensions and torments, I am feeling tired.  Being a Humanitarian Worker is said to be among the Most Dangerous Jobs because of the associated risks and uncertainties aside from the daily stress & tensions. Where there are calamities and crises from disease outbreaks to earthquakes, displacements to war and devastation, humanitarian workers are there. We offer our services, our time, talents and for some our lives!  We also have the fair share of the things that make us love our work - the opportunities of reaching many places of historical im...

KUNG MAHAWI MAN ANG ULAP

Image
Tula ni Duoi Ampilan KUNG MAHAWI MAN ANG ULAP Kung kinakailangan ay maaaring magpakalayo muna upang ihanap ng lunas ang damdaming sakbibi ng dalamhati. Sa iyong paglalayag sa dako pa roon ay ituring na ang nakaraan ay isang panaginip lamang. Sa paglubog ng araw ay isabay ibaon sa puntod ng ng paglimot ang alaala ng kahapon upang magsimulang muli.

ANAK NG MAGSASAKA

Image
Tula Ni Duoi Ampilan Anak ng Magsasaka Nagtapos ng isang kurso sa isang unibersidad sa Davao City. Hinanap ang kapalaran sa Manila. Nahalina sa kariktan ng buhay sa lungsod. Dumating ang pandemya. Bagaman nakahanap ng trabaho sa Manila, pinili niyang umuwi ng Maguindanao upang balikan ang Tinubuang Lupa. Sa lahat ng pagsubok sa buhay at pamilya, hindi siya nagpatinag. Hindi nawalan ng pag-asa. Hindi yumuko sa hamon ng buhay. Niyakap muli ang buhay sa bukid. Isang payak na pamumuhay. Malayo sa karangyaan ng buhay sa Davao at Manila. Sa pagsibol ng araw hanggang sa paglubog nito sa kanluran, buong sipag niyang kapiling ang sakahan. Simpleng buhay. Malayo sa modernong kabihasnan. Tahimik. May laya. Bagaman mabagal at simple, hindi salat sa ligaya. Namumuhunan siya sa lupa gamit ang tiyaga, sipag at sampung kabutihan.  Maliban sa mais at palay, nagsimula na rin siyang matanim ng mga punong namumunga tulad ng durian, marang, rambutan, mangosteen at mangga.  Siya si Adan. Anak ng M...

SA MUNDONG IBABAW

Image
By Duoi Ampilan SA MUNDONG IBABAW  Sa Mundong puno ng pagsubok at sakbibi ng dalamdati, matuto kang umagapay, makibagay at makipagsabayan. Sa buhay na kakambal ang kabiguan, matuto kang yakapin ang katotohanan. Sa mundong ito, lumaban ka at harapin ang bawat bukas na may ngiti sa labi, tapang, pag-ibig at pananampalataya. Inspirado na naman ang Baby Bakunawa sa kanyang Buhay Bukid. Hindi madali ang daan subalit kakayanin bilang paunang hakbang tungo sa dako pa roon. Maputik man ang dadaanan ay hindi alintana ng bagong Batang Batibot sa tulong ng mga nakapalibot sa kanya. Bata pa siya ay lantad na siya sa katotohanan ng buhay. Hindi madali subalit kakayanin. Puno man ng pagsubok pero hindi salat sa ligaya.

ANO ANG KULAY NG BUKAS?

Image
Ni Duio Ampilan Paumanhin sa mga kabataan, magulang, ate, kuya, tito at tita kung ang sanaysay na ito ay kukurot sa inyong puso. Una, ang kwentong ito ay hango sa aking karanasan. Maaaring magkawangis ito sa inyong kwento at pinagdaraanan. Maraming kabataan ngayon na sa kabila ng pag-aaruga at pagsuporta sa kanila upang maging matino at makatapos ng pag-aaral ay napapariwara at nababalin ang direksyon ng buhay sa nakababahalang sitwasyon. Mapalad kayo kung may pagkain kayo sa hapag-kainan umaga at gabi. Mapalad kayo kung may sumusuporta sa inyo sa inyong pag-aaral at pang-araw araw na pangangailangan. Mapalad kayo kung may magulang o kamag-anak na umaaruga sa inyo. Mapalad kayo kung sa Pilipinas kayo nakatira. Iilang kwento na ba ng kabataan ang ating narinig, nasaksihan o naranasan na nauwi sa pagkalulong sa droga, pag-aasawa sa murang edad, paghinto sa klase at tuluyang nalulustay ang oras na walang silbi.  Ilang kwento pa ba ang dapat danasin o masaksihan para ang mga dusa at ...

DUYAN

Image
Tula ni Duoi Ampilan Photo by Duoi Ampilan  International Humanitarian, Father, Poet Ang bukid ay duyan ng kamusmusan. Salat man sa yamang natitinag ang buhay ng tao pero nag-uumapaw naman ang kanilang ligaya. Ang kanilang tagumpay ay hindi nasusukat sa materyal na bagay kundi sa kalidad ng kanilang pakikipagkapwa, ligaya, pagtanggap sa realidad ng buhay, kung paano ginugugol ang buhay sa mga sandaling lipas at pananampalataya. Ang tunog ng kalikasan ay musikang umaaliw sa damdamin. Source: FB August 26, 2021