Posts

Showing posts with the label Sa Aking Mga Kababata

Sa Aking Mga Kababata

Image
Sa Aking Mga Kababata ni Rado Gatchalian (Ang larawan ay kuha noong Agost 1, 2017 sa loob ng Malacanang Palace) Makinig aking mga kabataan Narito ang isang hamon sa inyong lahat: Hanapin mo ang turo ng nakaraan, Sikapin mong yakapin ang katotohanan. Subalit kung ano man ang totoo Matutong makinig sa lahat ng kwento, Kung ano man ang ipinaglalaban mo Maging bukas sa pananaw ng ibang tao. Mahal kong mga kapatid, Batid kong ang katotohanan ay may balakid: Ang ating limitado at marupok na pag-iisip At maging ang ating mapusok na damdamin. Maging mahinahon at matiisin, Kung isang araw ay makamit mo ang karunungan Huwag mong hayaang maging alipin Sa inaakala mong ikaw at ikaw ang tama lamang. Bagama’t tungkulin mo ang alamin ang tama, Isa ring banal ang matuto sa iyong pagkakamali; Huwag kang matakot na yumapak sa lupa Dahil maging ang langit ay may luha at hikbi. Kung ang iyong katapangan ang iyong lakas Huwag mong kalimutan ang pag-ibig ay banal; Ang katotohanan ay kailangang ipaglaban Sub...