Posts

Showing posts with the label Ginintuang Katutubong Wika

DALAWANG TULA

Dalawang tula para sa Buwan ng Wika Salamat FPB! Ni Jeffrey Cejero PAMANA NG ATING LAHI Pilipino ako mula sa Perlas ng Silangan. Bansang nagniningning na aking kandungan. Gamit ang Filipino at mga katutubong wika, Na hinabi ng panahon ng bansang malaya. Wikang Filipino, siyang tagapagbuklod. Bawat salita nito’y kalugud-lugod. Sumasalamin sa makulay nating kultura, At tinitibuk-tibok ng pusong nagkakaisa. Wikang Filipino, ating gamitin at pagyamanin. Saanmang panig sa mundo, lagi nating isipin, Wikang Filipino, pamana ng ating lahi. Isabay sa pag-unlad ng ating maharlikang lipi. ➖💠➖💠➖💠➖ Katutubong Wikang Gagamitin: Ilocano Mga salitang gagamitin: pagawidan- kanlungan nadillaw- napansin silaw- tanglaw nakababain- kahihiyan kinalammin- kalamigan inaramid- ginawa adal- edukasyon GININTUANG KATUTUBONG WIKA  Ako’y sumibol sa Perlas ng Silangan. Nagningning kasabay ng ating pagawidan. Ako ang bigkis sa lahat ng mga Pilipino At susi sa kalayaan ng ating mga ninuno. Ako ang bantay sa lip...