TIRIRIT NA IMPIT
Paunang bungad ng makatang KU RIS Tapos na Ang Araw ng Kalayaan ngunit hayaan niyo akong ibahagi ang piyesa kong Ito. Panlulupig nga’y lumipas Panlulupig nga’y lumipas Sa hawla’y nakaalpas Malaya nang maipagaspas Pakpak ma’y punit at gasgas Ilang táong nakipagduwelo Sa mga dayuha’y nakipagpatintero Hanggang tuluyang tumalilis Sa paniniil at hinagpis Anong galak sa puso’y namugad Mga sisiw hinanap, kaparanga’y ginalugad Ngunit bakit, pagtangis ang siyang bumungad? Inakay’ nakapiit, sa kasamaang palad. Inahing lanta, sa hilahil ‘di pa nakahinga Dalit ng kahapon pilit pang iniinda Umaaligid, lakas inihahanda Upang inakay, masagip— makawala. Ngunit sa paglibot kaniyang napaghulo Mangangaso’y kayumanggi, kakulay pa‘t kadugo Waring isang balaraw, gumuhit sa yaring puso Bakit sa pag-uwi, sugat ang natamo? Sa dayuhan ma‘y nakaalpas, natuwa‘t nagwagi Ngunit sa sariling parang mga inakay’ nasawiKalayaan! Kalayaan! hiyaw nitong labi Umaasang may makarinig— nagbabakasakali. Ngunit...