Posts

Showing posts with the label Nahan Ka

NAHAN KA

By ©jhake morales 07/25/2021 Kinukumot ko ang madilim na langit habang hinahanap ka Habang ang tala'y sumisilip sa gilid ng aking mga mata Nakikiusap ako kay bathala na nawa'y ibalik ka Nasasabik ang aking labi na mahagkan ka Sinanay mo akong sa ula'y ikaw ang kasama Sinanay mo ang labing hinahagkan ka Sinanay mo ang tiyan sa init mong dala Pero 'di ako sanay na tulad ka ng hanging 'di makita. 'sing init mo ang mga kahoy na nagbabaga Niyayapos ka ng aking mga palad na may pagpiga At napapapikit yaring talukap ng mata Habang likido'y dumidilig sa'king dila. Ngunit mas pinili mong basain ang aking paa Tumapon ang ang inaasam ko't nawala. Talampakan ang nakinabang  at hinagkan mo Sa panlalamig ay may napapaso Nung may nahulog tila may nabasag na baso Nung may nawala tila may nadurog na puso Ang pananabik naibsan nang maglaho Nahan ka sabaw, na aking paborito. FPB