Posts

Showing posts with the label At Malay Mo Pipitasin Mong Muli

At Malay Mo Pipitasin Mong Muli

Image
At Malay Mo Pipitasin Mong Muli (Isang Eksistensyal na Pagtutunggali) ni Rado Gatchalian  Kahapon lamang ay pinitas mo ang maghapong alindog ng paghahanap kung sino ba ako. Lito pa rin ang madla at maging kabataan ay di alam kung ano ang aking pangarap. May nagsasabing ako ay atiyesta, ang iba’y magtatanggol na ako’y banal, na ang panalangin ay gayumang tula. Subalit kahapon nga lamang ay sinubukan mong kilalanin ang aking kaluluwa, nakatago sa isang kapirasong papel, Na ang wakas ay nasa simula pala. Puspusan ang paghahanap sa lumang pahina, at kahit na babad sa magdamag na pagbilang sa mga nakatagong bituin Hahanapin at hahanapin pa rin. Ang lalim man ng pinaghugutan ay di tiyak kung may hangganan, siguro kahit ilang beses hukayin ang lalim nito, Isang gabi, susuko ang lahat sa isang pananampalataya — ng meron at wala, ng ako at di ako. At kung matapos mang bilangin ang isang libong bituin, para saan pa ang hinahanap na ligaya   Kung sa pagtalima ay maubusan ng hininga....