TANAWIN
Tula ni ✍⚘Rose Licudo Kaygandang malasin ang tanawin sa parang Berdeng damo at palay sa kapatagan. Mga nagtatayugang puno sa kabundukan. Na sumasabay sa hanging amihan. Kaysarap samyuhin ang malinis na hangin Malayo sa pulusyon at global warming. Ang lamig nito'y umuukilkil. Sa kaibuturan ng diwa Ko't damdamin. Napakagandang tignan ang malakristal na tubig. Bawat tama ng sinag ng araw ay nagniningning. Na tila ba dyamanting nakakalat sa hangin. Nag-aanyayang,"Halika magtampisaw ka sa akin." Sa pagdaan ng panahon at siglo. Kariktan ng nayon unti unting nagbabago. Mga puno sa kabundukan ay naglalaho. Ang dating malinis na ilog ngayo'y puro burak at basura. Preskong hangin ay nawawala na. Kailan mo papahalagahan ang bayang kinalakhan? Kailan mo bibigyan pansin ang kalikasan. Kailan mo mamahalin ang iyong pinagmulan? Kapag huli na ang lahat at wala nang babalikan? 🖊08012021 Janet Rose Licudo Filipino Poets in Blossoms ...