Posts

Showing posts with the label TULA KO

TULA MO, TULA KO

Image
Tula ni Divina Cruz Tagaza Kuwentula Ni Bebang October 02, 2021 < Tula for Helen Sarita > Taong 2014, hindi mo ako kilala Nakita na kita, di rin kita kilala Nagkataon sa iisang pahina Sa Kabayan Weekly, tayo'y pinagsama... Tula mo ay hinggil sa "walang hanggan" Tula ko'y tungkol sa mga "surot" naman Lumipas ang mga taon, hindi ko inaasahan Ang koneksiyon pala natin ay madudugtungan... Sa unang pagkakataon nang ako'y iyong tawagan Alam mo bang mayroon agad akong naramdaman Na ikaw ay mabait at madaling makakagiliwan Masuporta, mapagbigay at hindi mang-iiwan...  Ang iyong mga katangiang hindi pangkaraniwan Sa panahon ngayon ay sadyang mahirap matagpuan Ikaw ang "Mother Eagle" na inspirasyon at kinaaaliwan   Poetess na de- kalidad, hinahangaan at di mapapantayan... Happy Blessed 56th Birthday Pres. Helen Sarita  Enjoy your very special day  God bless 🙏 Filipino Poets in Blossoms 🌸