Posts

Showing posts with the label HARINAWA

HARINAWA

Image
HARINAWA Tula ni Rado Gatchalian (Handog para kay F Sionil Jose, National Artist for Literature) Pumanaw nitong 06 Jan 2022 Sabi nila ang paglubog ng araw ay hudyat ng pagsikat muli ng bagong umagang sumisigaw ng paglaya. Bagama’t nagdurugo ang langit at maging lupa’y sumisigaw ng galit, pagkaminsa’y sawing pag-ibig, Hindi maaaring makalimot ang bantayog ng maghapong pakikiramay, dahil maging ang pagtiklop ng dahon Ay nagsilbing lilim ng pangungulila’t kalungkutan; maging ang alapaap ay kusang inalay ang lahat ng pag-aari, Maging ang kahuli-hulihang patak  ng pagdadalamhati, kung gaano man ito kasakit, naghihintay ang lupa sa iyong pagbabalik. Kung ang batis sa Silangan ay nananabik at kung anumang pagkukulang sa Bayan: patawad ang hikbi at panalangin. Kung saglit lamang ang pamamaalam, kung ang ngayon ay kahapon lamang, di na muling maibabalik ang abang buhay Subalit sa iyong iniwang kayamanan: ang panalangin ay hindi malimot ng kabataan, at kung ang lahat-lahat ng iyong agimat Ay...