Posts

Showing posts with the label MGA PAGPIPILI

MGA PAGPIPILI

Tula Ni Myr Reyes E. Tejada Ang buhay ay isang hubad na regalo Sa atin iniwan pagbalot kung paano Sa makulay bang karton na may taling laso O sa isang luma at kusot na dyaryo Ikaw, paano mo ginawa ito? Dati’y ating utak, tasang walng laman Kung anong ilalagay sa atin iniwan Umaapaw, puno, o di kayay kaunti lamang Inilagay ba’y gamot, lason, basura o yaman Ikaw, ang tasa mo, ano ba ang laman? Isang pusong wagas sa atin binigay Ng Dakilang Lumalang nitong ating buhay Pagyamanin, ingatan, o yurak-yurakan Ipinagkatiwala sa ating mga kamay Ikaw, puso mo bay nakangiti o luhaan? Tayo ay binigyan libong pagkakataon Hinamong tumanggap o di sumang-ayon Inakay sa landas na dapat tunguhin Subalit malayang lumihis o sundin Ikaw, ang pinili mo ba ay alin? Ipinakilala din sa’tin ang lipad ng oras Gawing kaibigan o kaaway na Hudas Gamitin ng tama, inaksaya ba o iyong winaldas Sa iksi ng buhay sanay sinakyan ang pakpak Ikaw, saan nakarating iyong mga yapak? © Myr Reyes E. Tejada 06/08/2021 A translati...