Posts

Showing posts with the label GASERA

GASERA

Image
Tula ni Rebecca Tarog Adjie Canon Ikaw ang tanglaw sa isang tahanan katulad ng isang INA,anak inaalalayan ikaw ang nagsisilbing liwanag sa daan upang ang pinapangarap ay makamtan Sa gabing madilim,liwanag mo'y ilaw lalo na sa mga taong namamanglaw makita kang nakasindí,nakakalimutan ang lahat ng pighating nararamdaman Kaunti man an liwanag mo'y mahalaga lalo na sa mga naghihirap na pamilya nagdarahop sa buhay ngunit nakikibaka sa pagharap ng gulong ng buhay,masaya Gasera'y sa ihip ng hangi'y namamatay ngunit muling sisindian upang mabuhay katulad ng pagkadapa'y muling babangon malugmok man ngunit pilit umaahon GASERA kapantay ng isang kahirapan payak ang buhay,puno ng kaligayahan lalo na sa liblib ng isang kabukiran ang nasa kapaligiran ay mga halaman GASERA ay nagsisilbing  INSPIRASYON na ang buhay ay dapat IPAGPATULOY anumang hirap,nakatuon sa PANGINOON kung ika'y NADAPÂ muling IBABANGON Zoraya Pilar,Sorsogon Philippines Oct,5,2021 4:43 a m. Filipino Poets in ...