Posts

Showing posts with the label Emilio Laxamana Aguinaldo

SALAMAT NA LAMANG

RIP "SALAMAT NA LAMANG" Emilio Laxamana Aguinaldo May hawak na tungkod kung siya'y lumakad Tanglaw ng paningi'y malabo ang sinag Salamin sa mata ang siyang liwanag Na gabay ng isang parang kapos palad Ang buhok sa ulo na dati'y kay kapal Manipis na ngayo't puno na ng uban Ang gitla sa noo'y hindi na mabilang Mahina ang tuhod hapo ang katawan Pagdakay naupo sa pakakatayo Saka ipinukol tingin sa malayo Habang binibilang himutok ng puso Naglaro sa isip panahong naglaho Nuon mo nadama sa ubod ng dibdib Ang sugat ng puso na sukdol ng pait Kaya't pinilit mong iwaksi sa isip Mga alaalang dulot ay pasakit Salamat na lamang ang naibulong mo At hanggang may lakas iyong napag-tanto Kung sino ang dapat itawil sa mundo At ang mga taong sa yo'y nagkanulo thanks to a friend's help to type ♥*✿*•♥

MAHALIN ANG KALIKASAN

Image
Tula ni © Emilio Laxamana Aguinaldo Huwag nang tapunan ang dagat at ilog  Ng basura't duming balana'y madampot Mga isda duong ating sinasalok  Baka manga-lason sila'y manga-ubos Mga punong kahoy sa bundok at parang Huwag  nang putuli't ating alagaan Pag sila'y nawala't lubos na naparam Wala nang sasangga sa bagyo at ulan Mga punong kahoy ating pag-yamanin Tayo ay mag-tanim ating padamihin 'Pagkat mga ibon duo'y lumililim Duon namumugad duon nag-susupling Yaong mga lupa na ating binungkal  Na ping-tatamnan ng palay at gulay Ay ating ingata't huwag pabayaang  Ang mga gusalii duon ay mag-tahan Ang dagat at bundok ang ilog at bukid Mga punong kahoy sa ating paligid Sila'y kalikasan sa mundo'y kasikip  Nang tayo'y isilang dito sa daigdig Pag pinabayaan at di iningatan Baka maubos na ang puno sa parang Ang isda sa ilog baka mangamatay Maubos ang bukid wala nang pag-tamnan Itong kalikasan kapagka nagtampo Ating maiiwan saan pa tatakbo  Baka mang...