Posts

Showing posts with the label Ating Panahon

ATING PANAHON

Tula ni Winnie Carmona-Dacoco Mga takot na bumabalot, hatid ng panahon Mga kaba na pumupukaw sa hinahon,  Dati ay malaya , mga pakpak ay tumikom,  Tanging sa gunita, lumipad, naglimayon  Ang mga oras, tila may pakpak din Tulad ng hangin, saglit lng humapyos, nagtutumulin,  Ang puso'y nagtatanong, naninimdim Kailan ba ang dulo at ilaw sa dilim? FPB September 4, 2021