YAMAN
Ni Emasu Poetry Halika at sabayan si lola Nang ganda ay masilayan, Pagkat lahat maging baliwala Kung di tanggap itong yaman. Umupo ka at titigan paano Natangay sa pagkakamali, Nakalimot sa pagpakatotoo. Masdam mo luha ng pagsisisi. Tandaan mo aking mahal Ang kamalia'y iwasan Dyan nagdusa ako ng matagal. Buhay gawing makabuluhan. Sa mundo limitado ang oras Wag mong hayaang masayang, Sa pagpahalaga maging bukas Sana ang puso at iyong isipan. Panahong nasayang ay sabik. Pagpapatawad wag ipasuntok Dahil hindi na maibabalik Ang tubig ng dagat sa bundok. Sana di ka magpapadala Kung karimla'y bigay ng buhay. Magsikap at ipapaubaya Ng Diyos na laging gagabay. Pag-ibig ang laging ipaibabaw Kapwa tulungan at mahalin. Yaman ay bigyang tanaw Pagkat tunay yan na mithiin. Ginawa tayo para sa kapwa, Pahabawaan ating pag-unawa. Source : Eds Oacnam