Posts

Showing posts with the label Piramidong Ulap

Piramidong Ulap

Image
By Kriselda Alegado Espinosa  Sandatang  pinanday ng panahon, Hinubog ng magkabilaang hamon, Pinagtibay sa bawat hampas ng alon, 'Di matitibag malagas man ang mga dahon, Mananatiling matatag at nakatayo, Magsisimulang sisibol ang binhing nabuo, Magsisilbing ningas na taga paalala sa mga tao, Bawat pag banat ng mga buto, unti-unting mabubuo, Ilalaban ang mga pangarap, Pipiliing abutin ang alapaap, Tutuntong sa bawat piraso ng ulap, Tagumapay sa tamang panahon—maapuhap, "Piramidong Ulap" ni: Kris Espinosa FPB September 27, 2021