HUWAG NA HUWAG
Tula ni Cherrie Facun Dancel Huwag na huwag kang makikipag-away sa kapuwa Iyan ang palaging ipinapayo ng ama at ina. Huwag na huwag kang magsisinungaling sa magulang Magpaalam kung may pupuntahan para di mapagalitan. Huwag na huwag kang manglamang sa iba Ito'y gawain ng taong masama at mandaraya. Huwag na huwag kang sasagot sa matanda ng pabalang Upang mas nakababata sa iyo na nagmamasid ika'y igalang. Huwag na huwag kang gagawa ng pandaraya Para ikaw ay mabuhay ng maayos at malaya. Huwag na huwag kang nawawalan ng pag-asa Ito ang payo ng mabuting kaibigan sa nakilala. Huwag na huwag kang bibitaw sa kamay ng Maylikha Pag sulirani'y dumating, sasamahan at yayakapin ka Niya. Huwag na huwag kang hihinto sa paglikha ng tula Pagpapalakas loob ng manunulat nang talento'y mahasa. Source: Filipino Poets in Blossoms 🌸 July 24, 2021