Posts

Showing posts with the label WALANG MONOPOLYO ANG PAGKAMAKABAYAN

WALANG MONOPOLYO ANG PAGKAMAKABAYAN

Image
By Rado Gatchalian WALANG MONOPOLYO ANG PAGKAMAKABAYAN ni Rado Gatchalian (FREE TO SHARE) Nahahati ang mundo hindi lang sa dalawa May taas, baba, gitna, at kung saan pa Kung nasaan ka man iyon ang tanging makikita Walang monopolyo ang pagkamakabayan Walang nag-iisang may-ari ang pagkabayani Walang makapagsasabi na ang Pilipino ay ako at ikaw lang Nakakapagod na rin ang buong buhay na pagtatanggol Sa isang panata at pananampalatayang hindi kayang tanggapin ng iba At kung susuko man ako siguro ay upang ang kapayapaa’y sumainyo Napaos na ang aking boses sa maghapong pakikibaka Babalikan ko ang mga nakaraan at tatanungin ang sarili: Ano ba naiambag ko sa bayan at naitulong sa mga Pilipinong dukha at api? Titimbangin ko ang pinagkaloob sa bayang nagmamakaawa Lahat ba ng pinagkaloob ay pawang salita Puro sigaw at galit, subalit salat sa gawa At kung tayo’y mananalangin sa bayan Pakiusap sikapin din nating yakapin ang kapwa Handang hawakan ang mga dumi’t alikabok sa kanilang tagpi-tagping tah...