SIGE, ITULAK MO AKO SA ISANG PAG-IBIG
SIGE, ITULAK MO AKO SA ISANG PAG-IBIG ni Rado Gatchalian Kaunting tulak lang ng isang mangingibig At marahil nahulog na rin ako sa isang bangin Na hindi alam kung gaano kalalim, O kung ipagtulakan man sa isang kawalan, At halos guni-guni na lang ang aking pinanghahawakan, Marahil kahit ano pang sabihin ng ilan — Iisa lang ang aking ikabubuhay, ikamamatay: Ang umibig nang buo at tapat. Kung ipagkait man ito sa akin, Wala nang sapat pang dahilan Upang ako’y huminga at mabuhay — Subalit kung bibigyan muli ng pagkakataon Hayaan mong itulak ko ang aking sarili Sa isang akala mong kahibangan, Kung ako man ay baliw, at walang kapangyarihan, Sige, itulak mo lang ako sa pinakadulo, At kung ano man ang hangganan nito — Marahil maging ako at ikaw ay walang lakas Upang alamin ang pangalang Ang tanging iiwan ay kahabag-habag na paalam. Sige, itulak mo ako sa isang pag-ibig, At kung mahulog man ako sa isang bilanggo, Ako’y hindi mapapagod na hanapin ang laman ng puso. Kung magwakas man ito sa isang ...