Posts

Showing posts with the label Leah C Dancel

PAG-IBIG, HIMIG

Image
Tula ni Leah C Dancel PAG-IBIG, HIMIG Tula at musika Pinag-isa sa dambana ng Pag-ibig, Himig. Himig at tunog Pinagtugma din sa Tula Sa indayog ng tugtog ng gitara,  Cello at piano. Ang malamyos na tinig Ni Rene ay pumaimbulog Sa kasaysayang kanyang minimithi Kasaysayan ng kanyang pag-ibig Na itinugon naman ni Rado Sa kanyang walang kupas Na pagmamahal sa Inang Bayan. Tula at Musika Himig at Tinig Tunog at Tugtog Pinagbigkis sa iisang indayog Ng katapatan at kagitingan. Kami ang mga saksi sa  Pusong tumitibok Nagmamahal na walang katapusan. Pag-ibig, Himig. ©Leah C Dancel Copyright ©4 June 2023 All rights reserved SH-AUSTRALIA  Photo courtesy by Rado Gatchalian

RED

Image
By Leah C Dancel RED is the blood that runs in my veins The emblem colour that stands for life and love of my country of birth. It's the blood that our heroes shed in the battlefield of my homeland where tyrants trampled. It's the INK of my pen, flowing from wounded hearts that bled ... The hearts of my ancestors who died Suffering in the hands of cruel invaders. RED is the symbol of FREEDOM and LIBERTY The RIGHT of each HUMANITY to live FREE in peace, in harmony and in unity. © Leah C Dancel Copyright ©May 12, 2022 All rights reserved SH-AUSTRALIA ****** "Ang PULA ay sagisag ng nag-aalab na PUSO sa pagmamahal ng Inang Bayan. Ito ang kulay ng danak ng DUGO ng ating magiting na mga bayani noong binuwis nila ang kanilang buhay upang ating makamit ang  KALAYAAN sa kamay ng mapag-imbot na mga banyagang mananalakay." © Leah C Dancel Copyright © May 12, 2022 All rights reserved SH-AUSTRALIA

BAHAGHARI, PLUMA AT TINTA

Image
BAHAGHARI, PLUMA AT TINTA Ni LEAH DANCEL Hindi ko matandaan kung paano ako nag-umpisa Sa Panitikan ng panula kailan ba ako  nagsimula Gamit pa ay plumang pinaglumaan na ng panahon May laman pang tinta sa bote ay doon nakabaon. Suklob ng alaala ang bawat tatak na mga salita Nakapaloob sa aklat na walang mga pahina. Dati'y kwaderno ang siya kong kaulayaw  Sa mahika ng salamin, kaluluwa ko'y nakaugnay gabi't araw . Mga saknong at taludtod dati'y di ako nagigiliw Paanong sa kanya ngayon ako'y naaaliw Ni sa talinghaga kaalaman ko'y walang kamuwang-muwang Ngayon ang diwa ko'y wala nang kapatlang-patlang. Sa banda roon ang parang ay may nakatagong hardin Mga halaman na walang pangalan kahit di na alamin Pagdating ng kabuwanan ng kanyang pag-alimbukad Tila bahaghari ang mga bulaklak na namumukadkad. Ako'y naligaw sa mahalimuyak na hardin na ito. Paruparong isip ang mundo ko'y naging paraiso Matalas kong mga mata ay di napakali Sa kanyang kagandahan puso ko...

NAGISING NA DIWA

Tula Ni Leah C Dancel NAGISING NA DIWA Sa duyan ng gabing may lungkot at lumbay; Kapiling ko'y sawing damdaming matamlay. Hirap walang turing sa aba kong buhay; Ni walang katiting  sa iyong tagumpay. Pusong nahumaling sa ganda mong taglay; Sana'y marapatin pag-ibig kong tunay. Ang aking hinaing ay nakasalalay; Sa iyong mabuting pusong mapagbigay. Siphayong naangkin aking inihimlay. Sa altar ng piging ng irog kong tunay. Mata'y nakatingin Sa mundong makulay. Ako ay ginising Ng bukang liwayway. ©Leah C. Dancel Copyright ©March 15, 2022 All rights reserved #Bukang_Liwayway #abab