Posts

Showing posts with the label Divina Cruz Tagaza

SA PANAHON NG PAGKABATA

Image
Tula ni Bebang  August 15, 2021   ...  Sa Bunton ng mga Dayami Nuon nga ay kaunti pa lang ang mga taong naninirahan sa Marikina sa lugar ng Paliparan Ang malalawak na mga bukid na nakapaligid ang nagsilbi naming palaruan Makikita mo ang nakatambak na bunton ng dayami pagkatapos ng anihan Mula umaga hanggang gabi, ang paglalaro doon ang aming pinag-kakaabalahan ... Humahanap kami ng madadala naming mga karton  para gumawa doon ng bahay-bahayan Bawat isang kasali ay obligadong magdala ng sandakot na bigas at kami'y maglulutu-lutuan Abala ang iba sa kanilang saranggola at sa pagpapalipad nito ng mataas, sila'y  nagpapaligsahan May naglalaro din ng base ball, ingat ka lang dahil sa paghagis ng bola, baka ikaw ay tamaan ... Sa isang gilid naman ay may makikita kang nagtuturo ng tungkol sa bibliya para sa kabataan Pagkatapos ay magtatanong na siya at kung nakikinig kang mabuti ay magkakaalaman Ikaw ay tatanggap ng ibinibigay na pabuyang kuwaderno sa bawat tamang sago...