MAHALIN ANG KALIKASAN
Tula ni © Emilio Laxamana Aguinaldo Huwag nang tapunan ang dagat at ilog Ng basura't duming balana'y madampot Mga isda duong ating sinasalok Baka manga-lason sila'y manga-ubos Mga punong kahoy sa bundok at parang Huwag nang putuli't ating alagaan Pag sila'y nawala't lubos na naparam Wala nang sasangga sa bagyo at ulan Mga punong kahoy ating pag-yamanin Tayo ay mag-tanim ating padamihin 'Pagkat mga ibon duo'y lumililim Duon namumugad duon nag-susupling Yaong mga lupa na ating binungkal Na ping-tatamnan ng palay at gulay Ay ating ingata't huwag pabayaang Ang mga gusalii duon ay mag-tahan Ang dagat at bundok ang ilog at bukid Mga punong kahoy sa ating paligid Sila'y kalikasan sa mundo'y kasikip Nang tayo'y isilang dito sa daigdig Pag pinabayaan at di iningatan Baka maubos na ang puno sa parang Ang isda sa ilog baka mangamatay Maubos ang bukid wala nang pag-tamnan Itong kalikasan kapagka nagtampo Ating maiiwan saan pa tatakbo Baka mang...