Posts

Showing posts with the label KAYSARAP ANG UMIBIG

KAYSARAP ANG UMIBIG

Image
By Rado Gatchalian  October 13, 2021 The FILOsopher  KAYSARAP ANG UMIBIG Ni Rado Gatchalian Kinukulit ako ng ihip ng hangin Kung bakit iisa ang aking iniibig Dahil may titik ang aking dibdib At ang pangalan mo ang siyang nakaukit Maging ang buwan ay nananabik At tila hinahanap ang iyong halik Ikaw ang diyosa’t diwata sa dilim Ikaw ang aking tunay na iniibig O kaysarap ang umibig At kaysarap ang iniibig Dalawang pusong kinikilig Araw at gabing nasa langit Maging bituin ay may panalangin Tayong dalawa’y magkapiling Ngayon at sa bukas na darating Pag-ibig, oh kaysarap yakapin