Posts

Showing posts with the label DIYOS ang GABAY

DIYOS ang GABAY

Image
Tula Ni Rebecca Tarog Adjie Canon Maraming unos na ang dumaan sa buong buhay ko Halos hindi mabatá ng katawang naghihingalo Ako'y nagtatanong, ganito ba ang palad ko ? Ang bawat pintig ba ng puso ko'y siphayo? Mga pagsubok at paghihirap ay mula pa nang isilang Lumaking salat halos sa lahat ng mga bagay Nanggaling sa mga mahihirap na magulang  Ngunit may tanging kayamanan, ang aming dangal Anumang kahirapan palaging nananampalataya DIYOS ang may gusto ito'y mga pagsubok NIYA Kailangan sa TAO ang TAPANG ng bawat isa Nang malaman NIYA ang mga marunong bumatá Anumang kahirapa'y may katumbas na ligaya Ang bukas na darating ang kakamtin ay sagana Ang daang matinik at madilim ay liliwanag talaga Ito ang KANYANG pangako, ITATAAS kita !! Bagyo ma'y dumaan, bahaghari ay lilitaw Ito'y tanda ng liwanag na aking makakamtan Ang gawang kabutihan ay gagantimpalaan Ang MASAGANANG buhay ang kapalit ng KAHIRAPAN Zoraya Pilar,Sorsogon Philippines February 27, 2022 OAP#4 Poetry Chal...