Posts

Showing posts with the label ISANG PAGLALAKBAY NG ISANG MAKATA

ISANG PAGLALAKBAY NG ISANG MAKATA

Paunang Salita: Ang mga talinhagang nakabalot sa bawat tula ay hindi kayang arukin ng lahat ng mambabasa.  Ito ay may mga katangian na may dulot aral at aliw. May  pumapasailalim ding mga kahulugan na nakatago sa puso ng  mga katagang gamit ng manunulat siya man ay makata o hindi. Karamihan sa mga tula na aking nabasa ay bunga ng isang panimdim ng may akda. (Blog Administrator) ➖💠➖💠➖ Pamungad Bati Ng May Akda Alay po para sa lahat nang naghahanap ng kasagutan sa pamamagitan ng tula. Samahan niyo po ako sa paglalakbay patungo sa kakaibang mundo ng mga nagsusumigaw na taludtod at kataga. (Isang Pagninilay sa Mundo at Alamat ng Tula) Ni Rado Gatchalian   1. Ang bawat isa ay makata. May nakatagong agimat gamit ang salita. Maging sa ating paggalaw ng katawan: may sukat ito. Sa ating pag-iisip at pananalita: mayroon itong taglay na tugma. Hindi man natin nakikita o naririnig, kusang lumalabas ang pagkamakata sa ating isip, galaw, at salita.   2. Ang ating pagkatao...