PASINGKIL
Tula ni Dorie Reyes Polo Makulay na katutubong sayaw ng mga Maranao, Sa Lanao Del Sur. Mindanao. Balik-tanaw " SINGKIL " Para sa akin Sa bawat salpok ng apat na kawayan Tunog ay ritmong kay sarap indakan Sa unang yugto, alalay sa dalang, Dahan-dahang ginising ang dugo ko't laman. Pag padyak ng paang may taling kulingling Maghanda na kayo ang ibig sabihin Ingay ng kalangsing hindi malilihim Hudyat na kawayan umpisahang pukpukin. Tila ba indayog ang saliw ng ingay May bilang at tiempo, dapat sabay-sabay Paa'y kong mabilis, sa padyak ay uhaw. Ramdam ko'y Prinsesang "di mahapayang gatang"! Kaya't palakpakan, naranasan ko na, Tuwa ng puso ko'y hindi maipinta Mabuti't maliksi noong ako'y bata pa. Hindi nakaranas, maipit ang paa. 💪🤪🥰💖🍀 Reserbadong lahat ng karapatan @DRPolo Agosto 25, 2021 Kwentula ni: Dorie Reyes Polo Source: FB By Permission