Posts

Showing posts with the label BAHAGHARI

BAHAGHARI, PLUMA AT TINTA

Image
BAHAGHARI, PLUMA AT TINTA Ni LEAH DANCEL Hindi ko matandaan kung paano ako nag-umpisa Sa Panitikan ng panula kailan ba ako  nagsimula Gamit pa ay plumang pinaglumaan na ng panahon May laman pang tinta sa bote ay doon nakabaon. Suklob ng alaala ang bawat tatak na mga salita Nakapaloob sa aklat na walang mga pahina. Dati'y kwaderno ang siya kong kaulayaw  Sa mahika ng salamin, kaluluwa ko'y nakaugnay gabi't araw . Mga saknong at taludtod dati'y di ako nagigiliw Paanong sa kanya ngayon ako'y naaaliw Ni sa talinghaga kaalaman ko'y walang kamuwang-muwang Ngayon ang diwa ko'y wala nang kapatlang-patlang. Sa banda roon ang parang ay may nakatagong hardin Mga halaman na walang pangalan kahit di na alamin Pagdating ng kabuwanan ng kanyang pag-alimbukad Tila bahaghari ang mga bulaklak na namumukadkad. Ako'y naligaw sa mahalimuyak na hardin na ito. Paruparong isip ang mundo ko'y naging paraiso Matalas kong mga mata ay di napakali Sa kanyang kagandahan puso ko...