FILIPINO: WIKA NG PAGPAPAHAYAG
Tula ni Ellen Retoma Paano ipahahayag, paano susukatin Kaunlarang taglay , kayamanan angkin Ginto’t perlas na lantay sa bansa natin Kung di sa bawat sambit ng wikang angkin. Wikang Filipino na sandatang tunay Upang sa lahat ay maipaalam Kung anu-ano an gating taglay Ang ating mga naabot na tagumpay. Wikang salamin ng ating kaluluwa Ekspresyon upang sambiti’t ibalita Dunong at husay na taglay ng gunita Edukasyo’t aral handog ng Inang bansa. Sa ating wikang pambansa mababatid Konkretong batayan ng bawat nakamit Datos , istatistika at talang hatid Pinto ng impormasyo’y di mapipinid. Ang Wikang Filipino animo’y tanglaw Mula Luzon, Visayas at sa Mindanao, katutubo man, Ibanag at Ifugao Isyu’t kuro-kuro’y mabibigyang linaw Wikang Filipino’y ating pagyamanin Sa bawat salinlahi itanyag’t buhayin Iwasang makuntamina , huwag bababuyin Gamitin ng wasto at paunlarin. Kung wala ang wika kaunawaan ay di klaro M...