Posts

Showing posts with the label PINTIG NG PUSÔ

PINTIG NG PUSÔ

Image
Tula ni Rebecca Tarog Adjie Canon PINTIG NG PUSÔ ... Ang pusô ilang beses ba ang pintig ? Sa isang minuto o sa bawat saglit Saan ba galing ang hanging hinihinga? Marami sa nilalang walang alam sila Bawat pintig ng puso, hangi'y katumbas Himalang hindi mawari, hindi nakikita Linikha ng DIYOS, hanggang sa wakas Nang kapangyarihan NIYA ay makilala Hanging hinihinga ng bawat nilalang Ito ay LIBRE, galing sa MAYKAPAL Bakit hindi maalaala, ito'y pasalamatan Bawat pintig ng puso ang bigay ay buhay Kung bibilangin ang bawat minuto May 60 beses na pintig, halaga ay PISO Ilang YAMAN kaya ang dapat bayaran Ng isang tao sa hanging kinailangan Ganting-balik ay hindi ito hinihintay Ng ating DIYOS doon sa kalangitan Ang KANYANG hiling ay kabutihan Mahalin ang kapwa at tayo'y mag- ibigan Zoraya Pilar,Sorsogon Philippines Sept. 25, 2021 1:06 p.m.