Posts

Showing posts with the label Muling PAG-APOY

MULING PAG-APOY

Image
Tula ni Jeffrey Dacanay Cejero Muling Pag-apoy (soneto) Ningas ng pag-asa, pinatay ang liyab Halakhak ng dilim, huwad ang pagkintab Pangarap nabaon, araw walang siklab Pilit iginapos, pusong nag-aalab Masamang panahon, naghari sa lupa Bumagyo't lumindol, pandemya't sakuna Pagputok ng bulkan, bumulwak ang sala Kailan titigil, kailan lalaya? Nagdurugong puso, pilit siniraan Sa bukang-liwayway, doon sa silangan Apoy ng pag-ibig, sindi sa karimlan Mahal nating bayan, dasal niya'y pakinggan Boses ng marami,  umalab ang tinig Tayo'y magkaisa sa iisang himig