Posts

Showing posts with the label Tutubi

TUTUBI, TUTUBI!

Image
Tula ni Miling Cruz Rivera Tulang Pambata Sa hardin ni nanay nagpaikot-ikot, Makulay, magandang tutubing malikot Hindi ko mahuli, o kay ilap niya Nais kong hawakan at masdan ang mata.  Ang mga mata daw, ang sabi ni nanay, Mabilis umikot at ubod ng linaw Kahit nakatalikod nakakakita din Anong ingat ko man bakit napapansin?  Makulay na pakpak gusto kong pagmasdan  Ganoon di naman buntot ay hawakan Subalit kung ayaw sa akin pahuli Papanoorin ko lipad nyang maliksi.  Tutubi, tutubi ! Lagi kang dadalaw, Tayo ay maglaro sa sinag ng araw Hahabulin kita habang sumisigaw Tutubi, tutubi! Tayo ay magsayaw. Filipino Poets in Blossoms  September 8, 2021 🐝🐝🐝🐝🐝🐝🐝 Tula sagot ni Florencia Dayao  Kapatid,nakakatuwang sariwain ang kabataan natin.. Naaalala ko noong bata pa ako, Kalaro ko ang malaking Tutubi.. Doon sa sanga ng punong bayabas, Ako'y kanyang inaaliw. Isa siyang Tutubing Kalabaw, Iikot-ikot sa aking harapan. Na para bang sinasabing tumahan ka na kaibigan...