Posts

Showing posts with the label Frandres Irean

BABAE

Image
Tula Ni Frandres Irean HAPPY INTERNATIONAL WOMEN'S DAY sa dalawang MOTHER EAGLE ng aking puso sa mundo ng mga letra💙 BABAE Hinugot, hinulma mula sa tadyang ni Adan, Dinadambana ng eskultor at ng pintor, musikero'y inaawitan, Nililiyag ng mga makata pinapaksa ng mga tula at inaalayan, Itinuturing na reyna at prinsesa sa munting kaharian, Karamay sa hirap at ginhawa ilaw ng tahanan, Kapara ng kristal iniingatang hindi malalamatan, Dalisay ang pag-ibig hindi mapapantayan, Alang-alang sa minamahal handang magtiis 'di matatawaran. #InternationalWomensDay #FilipinoPoetsinBlossoms #March8,2022

KUNG DISIN SANA

Tula ni Frandres Irean Kung ang mga tula ko lamang ay isang MAHIKA, Napawi ko na sana dusang tinatamasa, Kung ang mga tula ko lamang ay isang LAMPARA, Madilim na landas tinanglawan ko na sana, Kung ang tula ko lamang ay bungkos ng PAG-ASA, Ididilig ko sa lupa isang dakot na LIGAYA, Kung ang mga tula ko lamang ay kumpol ng SAYA, Sa labing humihikbi NGITI'Y aking ipipinta. Kung ang mga tula ko lamang ay isang TULAY, Paglalapitin ko mga damdaming pinaglayo ng AWAY. Kung ang mga tula ko lamang ay isang KAMAY, Hahaplusin at papayapain puso mong may LUMBAY. Kung ang mga tula ko lamang ay isang KUMOT, Babalutin ko ang sa lamig ay NAMAMALUKTOT. Source: Self-Publishing x Movement December 7, 2021

AKO ANG MAKATA, AKO ANG TULA

Tula ni Frandres Irean AKO ANG MAKATA, AKO ANG TULA Ako ang tulang—hinabi sa tinigis na luha, Ang talinghagang—hindi matalos ang hiwaga, Ang kumpiyansang naglalaho—tayutay sa talata, Ang nagkukubling bituin—sa ulap ng haraya, Hayaang bitawan ko ang pluma kong hawak, Mga obra'y hayaang maging alikabok sa alapaap, Sa tinahak na landas sa larangan ng pagsulat, Marahil nga'y ang kakayahan ko ay hindi sapat, At sa bawat paglagas ng talutot ng rosas, Ay ang pag-agnas ng mga titik ang s'yang katumbas, At sa bawat mga pahinang mapipilas, Ay paglaya sa kulungang walang rehas, At sa bawat pagsibol ng bagong bulaklak, Ay bagong pahina ang s'yang mabubuklat, Kung saan bagong kabanata ang nakasulat, Ang kwentong pag-usad ang isinisiwalat, Bumaha man ng luha sa tag-init at lunurin ng kalungkutan, Ang tinubuang lupa sa tag-ulan man ay matigang, Maubos man ang tinta at papel na susulatan, Patuloy lang sa pagbungkal hahasain talento kong tangan, Sapagkat ang talentong ipinagkaloob ng la...

HIMIG NG ALON

Image
Tula ni Frandres Irean (Acrostic) Napa on the spot akong bigla habang ka chat si Nay Leah HIMIG NG ALON H-imig ng alon ay tila isang bulong, I-winawangis ang magandang awiting sa puso nagkakanlong, M-usikang ikaw lang ang nakakaunawa ng layon, I-pikit man ang mga mata'y dama ang damdaming nandoon, G-umuho man ang kastilyong buhangi'y muling babangon, N-awasak man ang pangarap ay may pag-asa sa dako pa roon, G-umagapos na pighati'y hayaang patirin ng alon, A-ng himig ng alon ay  dadampi sa pusong hindi makaahon, L-upaypay na bagwis muling kakampay pagsubok man ang sumalubong, O-yayi ng kabigua'y mapapawi manalig lang sa Panginoon, N-agdurugong sugat sa haplos ng alon ay maghihilom. Ang larawan ay sariling kuha ni Nay Leah November 18, 2021

PIRASO NG BASAG MONG PANGAKO

Image
Tula ni Frandres Irean ✍ ecai30 💛 P -inanghawakan ko mga salita mong kay tamis, I -nakalang tunay at hindi magmimintis, R -itmo ng kasinungalinga'y mabilis ang hagibis, A -ng inosente kong puso'y tinamaan walang daplis, S -inuong ang lahat makamit lang ang ninanais, O -yayi ng pag-ibig bakit sa tono'y lumihis? N -alinlang sa balatkayo mong pagsuyo, G -uni-guni'y di matahimik puso'y nagdurugo. B -util ng luha di mapigilang maglandas, A -nimo'y bumabalong yaring pag-agas, S -a kislap ng aking mata ang hapdi ay bakas, A -ng nadurog kong puso'y paano haharapin ang bukas, G -ula-gulanit ang pangarap sa kabiguang dinanas. M -asakit na nagdaan sa puso'y tumimo, O-o sa pighati ako ay nakabilanggo, N -akatarak sa dibdib piraso ng basag na pangako, G -inapos ang kaligayahan lumukob ay siphayo. P -agtangis sa gitna ng karimla'y mauulinigan, A -ng rehas ng kalungkuta'y hindi matakasan, N -anaghoy sa luhang nilulugmukan, G -abi at araw binabalot ng , A -ng s...