Ang Pagmamalabis
Tula ni Lynn Garcia Bato-bato sa langit tamaa'y 'wag magalit Kasi may mga taong puso'y puno ng ngingit Paalala lang para sa inyong kapakanan At nang lumiwanag madilim na kaisipan. Pagmamalabis ay ugaling 'di kanais-nais Mabagsik na leon ang siyang kawangis Dila ay naging mataray at matalim Nararapat lang na ito ay sugpuin. Ako'y nagtataka ba't may mga taong ganito Dahil ba sa yaman at katanyagang natamo? Puso'y sakmal ng poot at pagkagahaman Panahon na upang ito'y matuldukan. Aanhin ang yaman kung isip ay 'di tiwasay Nag-aalala baka ito'y mitsa ng buhay Ginto't pilak walang saysay, 'di madadala sa hukay Kapag binawi na hiram mong buhay. Sana'y matuto ka nang makisama sa kapwa Dahil mga taong nakasalubong mo pag-akyat pataas Sila rin ang makakasalubong mo sa iyong pagbaba At mas malakas ang tunog ng iyong bagsak Kaysa kanila noong mga palakpak. Bagkus ipunin sa puso pag-ibig sa kapwa At kababaang loob na marunong umunawa Sa mata ng Di...