HALAMAN
Ni Cherrie Facun Dancel Ang aking halaman na puno ng karikitan Sa kanya ay marami ang nagagandahan Kaya hinihingi ang tumutubong punla Ng mga nagdaraan na plantito at plantita. Ang bango niya'y humahalimuyak sa gabi Pag iyong naamoy matatakot ka at mapapatabi Iisiping may kaluluwang nagpaparamdan Na sa paglalakad ay gusto kang samahan. September 4, 2021