PINTO NG PAGSUBOK
Humihingi po ng Pahintulot na ipaskil. "PINTO NG PAGSUBOK" (Paglilingkod ng kusang-loob) Ni:Dorie Reyes Polo Pag-ibig sa Bayan di kayang ikubli Sa munting paraan maglingkod sa kalahi Tatagan ang loob hinaho'y maghari Ang inaasahan kung minsan ay mali. Pinto sa paligid ay nagkakailan Alin ang pipiliin at nais puntahan Sa landas na tama mahirap na daan Dahil mag-isa kang, dapat manindigan Marami sa tao ay sobrang talino Nais pumusisyon ayaw trumabaho Makapal ang apog, at wala pang modo Ugali ay lason, matigas ang ulo. Nais saklawan ang lahat ng bagay Kanyang kagustuha'y ay hindi na normal Maglubid ng buhangin ay sanay na sanay Ang katotohanan ay binabaligtad. Nakakapagtaka, may karismang bahag Sa kayabangan, ay may nahihinlak Walang pakundangan kung Ika'y mawasak Basta't ang gusto n'ya ang isasambulat. Kailan gigising ang manhid na lupon Kailan mumulat ang bulag na kampon Sayang ang huwisyong sa yabang nabaon Bakit kokonsentihin ang lintang umusbong. Pin...