NAGISING NA DIWA
Tula Ni Leah C Dancel NAGISING NA DIWA Sa duyan ng gabing may lungkot at lumbay; Kapiling ko'y sawing damdaming matamlay. Hirap walang turing sa aba kong buhay; Ni walang katiting sa iyong tagumpay. Pusong nahumaling sa ganda mong taglay; Sana'y marapatin pag-ibig kong tunay. Ang aking hinaing ay nakasalalay; Sa iyong mabuting pusong mapagbigay. Siphayong naangkin aking inihimlay. Sa altar ng piging ng irog kong tunay. Ako ay ginising ng Bukang Liwayway; Ikaw ang kapiling sa mundong makulay. ©Leah C. Dancel Copyright ©March 15, 2022 All rights reserved #Bukang_Liwayway