KAPWA KO, MAHAL KO
Repost from Rado Gatchalian The FILOsopher Kapwa Ko, Mahal Ko (Para sa mga OFWs) Sa panulat ni Paolo Vernall Sa mundo ng magulong buhay Darating ang mga taong hihingi ng saklolo At akala mo ay kaibigang tunay Subalit lahat pala ay panloloko. Ilalahad ang kanilang mga pagsubok Ang hugot at dramang pupukaw sa iyong puso At ikaw namang ang dibdid ay marupok Yayakapin sila at ang pag-ibig ay ibibigay nang buo. Hanggang dumating ang isang araw Ng rebelasyong ikagugulat mo Ang lahat-lahat pala ay pawang kasinungalingan At biglang parang pasan mo ang mundo. Hindi mo akalaing ang tulong na inalay Ay harapang pagsakal sa iyong pagkatao Sisipsipin ang kahuli-hulihang patak ng dugo Hanggang sa di mo namamalayang wala ka ng buhay. At kung wala ka nang maibigay Ang lahat ng mga kaibigang iyong inakay Ay unti-unting nawawala sa kapaligiran At nakalulungkot na tuluyan kang iniwan. Dahil sa iyong kahinaang maawain Kinurot nila ang iyong pusong banal Pinaglaruan ang iyong kamay na nakikiramay At h...