PERA O ASAWA?
Tula ni Rebecca Tarog Adjie Canon PERA O ASAWA ??? Sa panahon ngayon,,may katanungan Alin ba ang mahalaga,,pera o asawa Kung pakakaisipin,,pipiliin ang pera Ang pera minsan,,ay tunay na kailangan Sa mundong ibabaw,,uso'y pita ng laman Marami ang gustong ito'y kasadlakan Hindi alintana ang sasabihin ng iba Ang nasa isipan ay ang munting ligaya Asawa'y pipiliin kung mayroong dahilan Lalo ang pag-uusapan ay karangalan Kapuri-puri ang mayroong katapatan Sa mag-asawang lubos na nag-iibigan Pera ang kapalit nang mga panghihina Sa nawalan ng tiwala sa kanilang asawa Nagpalalo't nagtaksil umibig nang iba Kaya ang Dangal,,ang kapalit ay pera Pera!!Asawa!!Pera,,parehong mahalaga Pera ay madaling gastusin at nawawala Asawang mabuti at mapagkakatiwalaan Walang makakapalit anumang YAMAN Zoraya Pilar,Sorsogon Philippines Dec.7,,2021 10:17 p.m. Tula Tugon ni Flor Dayao Sa ngayon,matalino na ang mga kababaihan... Nag iisip ng magandang buhay Magtatrabaho ng walang humpay.. Kung mag- a...