BAGONG BAYANI
Tula ni Rado Gatchalian May Akda Darling Square Library Haymarket NSW November 6, 2019 (Para Kay Gat Jose Rizal) Kung mabubuhay ngang muli Ang ating pambansang bayani - Yayakapin ba ng sariling lahi At iibigin nang walang pagkukunwari? Makisig na susuriin ang bayang pinaglaban May bunga ba ang kanyang kamatayan? Sa kanya muling paglalakbay Hahanapin ang kalayaang tunay - Ang bawat Pilipino may ligaya sa puso, Matatag, at taas-noo bilang isang tao. Hindi kailangang maging bayaning muli Para ipakita na ikaw ay katangi-tangi. Hanapin mo lang ang iyong halaga At ialay ito sa ating pinakamamagal na bansa. Source : FB/RG February 9, 2018