Posts

Showing posts with the label Erica Francis Toquiro

BAGONG UMAGA, BAGONG PAG-ASA

Image
January 8, 2022   BAGONG UMAGA, BAGONG PAG-ASA -Ni Erica Francis Toquiro Sa mapagbirong laro ng tadhanang kay lupit, Animo'y latay ng latigo ang hagupit, Hagupit ng kabiguang nagdulot ng matinding pasakit, At kahit katiting na pag-asa'y hindi ko masilip. Nangangapa sa dilim pusong naparam, Tila basang sisiw na walang masilungan, Pagkandiling ninanais ko ay nasaan? Ako ba'y makasalanan kaya pinagkakaitan? Sa dinaranas na pighati'y 'di matapos yaring kalungkutan, Pag-agos ng luha'y hindi matuldukan, Anu pa bang halaga kung ang kaligayaha'y 'di masumpungan? Nararapat na bang buhay ko ay wakasan? Ngunit sa karimlang kinalulugmuka'y liwanag ang natanaw, Luhaan kong mga mata'y dagling nasilaw, Nabuksan ang isipan, tibay ng loob ay nangingibaw, At ang kahinaang umaalipi'y bigla nang natunaw. Muling nagbalik siglang dagling naglaho, Pananampalataya sa Panginoon nag-alab sa puso, Tapos na ang unos na sa katatagan ko ay gumupo, Kumakaway bagong umagan...