NANG IKA'Y MAGLAHO
Ni Emilio L Aguinaldo (RIP) Nang ako’y iwan mo sa gitna ng dilim Ang tanging tanglaw ko ay mga bituwin
Ang kaulayaw ko’y malamig na hangin Ang mga mata ko’y malayo ang tingin Nang biglang gumuhit ang kidlat sa langit Nag-dilim ang ulap sa aking paligid
Ang sinag ng tala’t bituwin sa langit
Nag-kubli sa ulap hindi na masilip Matapos ang kidlat bumuhos ang ulan Sa tindi ng lamig di na mapigilan
Pook na tagpuan ay aking nilisan May luha sa mata’t ang puso’y sugatan Ang pook na dati’y madalas dalawin
Pinapasyalan ko kung gabing malalim Aking binabakas ligayang nag-maliw
Tinitingala ko ang mga bituwin Kahit na kung gabing madilim ang ulap
At walang bituwing duon ay mamalas
Ako’y nagbabalik duo’y binabakas
Nag-lahong ligayang laging hinahanap Sa sinag ng mata nang ika’y maglaho Nuon ko nadama ang iyong pag-suyo
Nuon ko nabatid ang taghoy ng puso
Marahil ay di na muling mapupugto. katha ni emilio laxamana aguinaldo Dictated