Posts

Showing posts with the label Shiery Ann M. Garcia

PAGSILANG

Image
Tula ni Shiery Ann M. Garcia  (Pangunahing Gantimpala Tula Sa Biyernes August 13, 2021) Larawan pagmamay-ari ng Blog Adm  Kung mayroon mang petsa na sa atin ay napakahalaga Ito ang petsa ng ating pagsilang, hindi ba? Petsa kung kailan tayo iniluwal ng ating ina Petsang tayo ay lumabas mula sa sinapupunan niya. Marami sa atin ang may inaabangan Ang pagdating ng ating kaarawan Kahit na malayo pa, sa kalendaryo ay bibilugan Naroon ang galak at siglang nararamdaman. Subalit may ilan sa atin, nakakalungkot man Na ang kanilang pagsilang ang lubos nilang hindi nagustuhan Ang ilan sa kanila'y isinilang at iniwan lang kung saan. Matapos iluwal, sila ay pinabayaan. Sa ating pagsilang, mayroon mang pagkakaiba Ipinanganak man sa kalsada o sa malambot na kama Normal mang inilabas o ang nanay ay inopera Bawat isa ay regalong nagmula sa Kanya. Masakit at mahirap na maintindihan Bakit may mga pagsilang na hindi hinahayaan Mga dahilang hindi natin matarok Hindi ba nila batid na ang bawat pagsi...